December 15, 2025

Home SPORTS

Alex Eala, secured semifinals ng Jingshan Open matapos talunin si Jia-Jing Lu ng China!

Alex Eala, secured semifinals ng Jingshan Open matapos talunin si Jia-Jing Lu ng China!
Photo courtesy: Alex Eala (IG), Next Tennis Gems (YT)

Muling sasabak sa semifinals ng Women Tennis Association (WTA) 125 ang Filipino professional Tennis player na si Alex Eala matapos niyang talunin ang pambato ng China na si Jia-Jing Lu sa Jingshan Open 2025.

Naganap ang laban sa pagitan ni Eala at Lu noong Biyernes, Setyembre 26, 2025, kung saan nakapagtala ang kanilang salpukan sa sets score na 6-4 at 6-1.

Hindi naging madali ang simula ng pakikipagtunggali ni Eala sa pambato ng China kung saan natambakan agad siya ni Lu sa set score na 2-4 sa kanilang first game.

Nanatili namang malakas ang sigaw ng mga tagasuporta ni Eala sa loob ng Centre Court sa Jingshan, China dahilan para maging matatag ang loob ng pambato ng Pilipinas.

Ranking ng Pilipinas, patuloy pagratsada sa 33rd SEA GAMES 2025

Sinigurado ni Eala ang anim (6) na magkakasunod na panalo sa mga sumunod na laro niya kontra kay Lu at nauwi ang set score ng kanilang first game sa 6-4.

Hindi na pinaubra pa ni Eala si Lu sa kanilang second game at nauwi ang kanilang set score sa 6-1.

Nakatakda namang makalaban ni Eala sa semifinals si Lulu Sun ng New Zealand na kasalukuyang rank no. 146 sa mundo.

Ayon sa personal record ni Sun sa WTA, dati siyang world no. 39 noong Setyembre 2024.

Nanatili namang no. 58 si Eala sa mundo ayon sa kasalukuyang tala ng WTA.

Samantala, nauna nang makalaban at talunin ni Eala sa nasabing kompetisyon sina Mei Yamaguchi ng Japan at Aliona Falei ng Belarusian.

KAUGNAY NA BALITA: Alex Eala, advancing sa second round ng Jingshan Open

Mc Vincent Mirabuna/Balita