December 13, 2025

Home BALITA

Trillanes, nanawagan sa DOJ: 'Wag gawing state witness sina Alcantara, Bernardo, Discaya’

Trillanes, nanawagan sa DOJ: 'Wag gawing state witness sina Alcantara, Bernardo, Discaya’
Photo Courtesy: Antonio Trillanes IV (FB), via MB

Nanawagan si dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV sa Department of Justice (DOJ) kaugnay sa state witness program na igagawad sa mga contractor at engineer na sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Sa X post ni Trillanes nitong Biyernes, Setyembre 26, sinabi ni Trillanes na huwag umanong tanggapin ng DOJ sina Henry Alcantara, Roberto Bernardo, mag-asawang Curlee at Sarah Discaya bilang state witness.

“Habang pinoprotektahan nila Bernardo, Alcantara, Hernandez at mga Discayas ang mga kasabwat nila sa Duterte administration, manawagan tayo sa DoJ na wag sila tanggapin bilang state witness,” saad ni Trillanes.

Dagdag pa niya, “Sila Duterte ang nagpalago ng mga sindikato sa iba't ibang gov't agencies.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Matatandaang ang mag-asawang Discaya ang nagsiwalat sa pangalan ng ilang kongresistang sangkot sa katiwalian sa likod ng nasabing proyekto samantalang sina Alcantara at Bernardo naman ay ikinanta ang ilang senador na naugnay sa anomalya.

Maki-Balita: Bong Revilla, nakatanggap umano ng pera mula sa flood control projects, siwalat ni Henry Alcantara

KAUGNAY NA BALITA: Escudero, Binay, Revilla, ikinantang humingi ng kickback sa budget ng flood control projects

Maki-Balita: KILALANIN: Mga politiko at gov't officials na nanghingi umano ng 10-25% share sa proyekto ng mga Discaya