December 14, 2025

Home BALITA

Raliyista na inokray ang kilikili, rumesbak

Raliyista na inokray ang kilikili, rumesbak
Photo Courtesy: Nathalie Julia Geralde (FB)

Bumwelta ang raliyistang si Nathalie Julia Geralde sa mga body-shamer matapos kumalat sa social media ang larawan niyang nakataas-kamao sa isinagawang kilos-protesta sa Luneta Park noong Setyembre 21.

Sa latest Facebook post ni Natahalie nitong Biyernes, Setyembre 26, sinabi niyang hindi umano nakakahiya ang katawang nakikibaka.

“Sa lipunang kinakahon ang kababaihan sa unrealistic beauty standards, wag na wag mong ibaba ang iyong kamao! Hindi nakakahiya ang katawan na nakikibaka para sa patas at anti-korap na kinabukasan. Ang buhok at diskolarasyon sa kili-kili ay katiting lamang kung ikukumpara sa suliranin na kinakaharap natin,” saad ni Nathalie.

Dagdag pa niya, “Ang kagandahan ng babae ay hindi nagtatapos sa pisikal na anyo at lalong hindi nasusukat sa iisang panukat lamang. Kayang-kaya ng babae na lumikha, mag-isip, magquestion, magalit at higit sa lahat, ipanagot ang nagnanakaw sa kaban ng bayan!”

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

Samantala, pinasalamatan naman ni Nathalie ang mga dumepensa para sa kaniya at pumuri sa kabila ng ginawang pangunguntya ng ilang netizens sa discoloration ng kilikili niya.

“Napakahalaga ang mga katulad ninyo na tumitindig laban sa mali. Tama kayo. Hindi dapat ang bagay na napakanormal katulad ng buhok at diskolarasyon ang pinapakealaman natin,” aniya.