December 19, 2025

Home BALITA Probinsya

PBBM, pinangunahan ang relief distribution sa mga pamilya at magsasaka sa La Union

PBBM, pinangunahan ang relief distribution sa mga pamilya at magsasaka sa La Union
Photo courtesy: Presidential Communications Office (FB)

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang relief distribution sa mga magsasaka at pamilyang apektado ng bagyo sa La Union, nitong Biyernes, Setyembre 26.

Sa ginanap na distribusyon sa Speaker Pro Tempore Francisco I. Ortega Convention Center, San Fernando City, 275 benepisyaryong magsasaka ang nabigyan ng subsidy kasama ang mga taga-Bacnotan at San Juan.

“Nandito po kami para tiyakin na lahat ng mga assistance na binibigay natin na benepisyo ay umabot sa lahat,” anang PBBM sa kaniyang talumpati.

Ang mga benepisyaryo ay nakatanggap ng food packs, hygiene kits, cash assistance, fuel assistance cards, binhi, at fertilizer bags para matiyak ang mabilis na pagbangon ng mga nasalantang magsasaka.

Probinsya

Minimum wage earners, kasambahay sa Caraga, may umento sa sahod!

“Unang-una, nandiyan po ang DSWD, nagbibigay po nitong relief goods para mayroong makain. Mayroong health kits para tiyakin na hindi kayo magkakasakit, lalong-lalo na ‘yong mga anak ninyo,” saad ni PBBM

“Dito naman sa Department of Agriculture (DA), nagbibigay po tayo ng fuel assistance, fertilizer, cash assistance, pati na ang binhi , para kung nasira ang tanim, ay mayroon tayong kapalit,”dagdag pa niya.

Inanunsyo rin ni PBBM sa distribusyon na para mas mapalakas ang produksyon ng pagkain, higit ₱39 bilyon ang inilaan ng DA, na mula sa flood control budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ang pondong ito ay gagamitin sa post-harvest facilities na magiging tulong sa mga magsasaka, mangingisda, crop insurance, deep water ports, at fishport constructions.

Sean Antonio/BALITA