Inulan ng samu’t saring mga reaksiyon ang nagkalat na mga larawan ng mapulang kalangitan sa ilang bahagi ng Bicol Region nitong Biyernes ng umaga, Setyembre 26, 2025.
Ayon sa mga ulat, nasilayan ang pagkulay-pula ng kalangitan sa bahagi ng Legazpi City sa Albay, Catanduanes at Sorsogon.
Lumabas ang nasabing kulay ng kalangitan sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Opong sa Kabisayaan. Bunsod nito, tila hindi tuloy naiwasan ng netizens na iugnay ang bagyo sa tila senyales umano na ipinahihiwatig ng pagpula ng langit.
“Magdasal po tayo nawa’y maligtasan po natin lahat ang paparating na bagyo.”
“Nagbabadya nang masama talaga Ang panahon ngayon.”
“Sabi nang matatanda hangin na malakas ‘yan.”
“Nakakapangilabot naman ‘yan.”
“Nalalapit na kasi ang paghukom.”
“Talagang sinabayan ang Opong, sana hindi na magpadapa pa nang sobra.”
“Ingat po tayong lahat.”
“Parang ganiyan nangyari noong humagupit c kristine dba?”
“Nagkulay baha na ang langit.”
“Sana bukod sa bagyo, wala ng sumunod na ano pang delubyo.”
Ayon sa paliwanag ng PAGASA, may kinalaman ang weather condition sa pagpula ng kalangitan.
“The red coloration occurs because of the scattering of sunlight in the atmosphere. Longer red wavelengths penetrate the atmosphere more effectively, especially when there’s moisture or thin cloud layers present,” anang ahensya.