December 15, 2025

Home BALITA

'Nasaan si Romualdez!' Netizens, inalmahan listahan ng mga kakasuhan ng NBI

'Nasaan si Romualdez!' Netizens, inalmahan listahan ng mga kakasuhan ng NBI
Photo courtesy: via Manila Bulletin

Tinuligsa ng ilang netizens ang opisyal na listahang inilabas ng Department of Justice (DOJ) hinggil sa mga indibidwal na kakasuhan umano ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon sa DOJ, inirerekomenda ng NBI ang case build-up laban sa 21 indibidwal na nasa listahan batay sa mga sinumpaang affidavit ng sa kanilang ahensya.

Kabilang sa mga matutunog na pangalan ay sina Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co, mga senador na si Sen. Chiz Escudero, Sen. Joel Villanueva at Sen. Jinggoy Estrada. Nasa listahan din sina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) district engineer Henry Alcantara at engineer Brice Hernandez.

KAUGNAY NA BALITA: DOJ, kinumpirma 21 pangalang nirekomendang kasuhan ng NBI kaugnay sa flood-control projects

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

Ayon pa sa DOJ, pawang ang mga sinumpaang pahayag nina Hernandez, Engr. Jaypee Mendoza at dating DPWH Usec. Roberto Bernardo ang kanilang pinagbatayan sa paglalabas ng naturang listahan.

Samantala, tila hindi naman nagustuhan ng netizens ang anila’y kulang at bitin na listahan, partikular na ang hindi pagkakasama ng pangalan ni dating House Speaker Martin Romualdez.

“Bakit wala si Romualdez jan? Bakit si Zaldy Co lang!”

“NBI, DOJ, duwag din kay Romualdez!”

“Kung may malaking tao mang dapat isama, si Romualdez ‘yon!”

“Hoy, same same lang ng modus si Co at Romualdez pero bakit wala si Romualdez!”“Wala na, finish na! Nakalusot na ang dambuhalang sanggol.”

“He must not be named ang peg, jusko!”

“Tanggal na bilib ko kay PBBM! Pinakalkal flood control pero di kaya pinsan niya.”

“Bakit po kaya hindi kasama si Romualdez nd Discaya couple sa recommendation?”

“Si Tambi ang dapat nasa number 1 eh!”

“Si Co lang din talaga ang mula sa Kamara??? Joke time!”

Paglilinaw pa ng DOJ, ang rekomendasyon umano ng NBI ay batay sa mga sinumpaang salaysay at hindi raw nakabatay sa mga sabi-sabi.

“The NBI’s recommendation is not a matter of speculation or rumor. It is the result of sworn testimony under oath,” anang DOJ.

Dagdag pa ng DOJ, lahat umano ng mga affidavits na may mga pangalang hindi nabanggit sa listahan ay nangangahulugang hindi kinikilala ng DOJ at NBI.

Anila, “If names have circulated outside of these affidavits, those are not recognized by the DOJ or the NBI until such time that they are sworn to under proper proceedings.”