Naghayag ng sentimyento si Kapamilya host Bianca Gonzalez sa pananamantala ng ilan sa pagiging resilient ng mga Pilipino.
Sa latest X post ni Bianca nitong Sabado, Setyembre 26, sinabi niyang nakakagalit umanong isipin na nagtutulungan ang mga Pinoy sa gitna ng matinding sakuna samantalang may bilyon-bilyong kinukurakot mula sa buwis ng bawat isa.
“Nakakagalit isipin na pag may matinding sakuna, dali-dali tayong nagdodonate ng relief goods, bigay sa fundraising ng kahit konti, volunteer mag-repack... samantalang may milyon-milyon at bilyon-bilyong perang kinurakot mula sa buwis natin na makakatulong sana sa mga nasalantang kababayan,” saad ni Bianca.
Pahabol pa niya, “Ika nga ng placard sa rally, ‘resilient mo mukha mo.’"
Matatandaang dalawang araw pa lang ang nakakalipas simula nang makalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Super Typhoon Nando na sinundan ng bagyong Opong.
Maki-Balita: Super Typhoon Nando, nakalabas na ng PAR; LPA, ganap nang bagyo