December 15, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

May pinariringgan? Hirit ni Vice Ganda tungkol sa panggap na fan, usap-usapan

May pinariringgan? Hirit ni Vice Ganda tungkol sa panggap na fan, usap-usapan
Photo Courtesy: Screenshot frrom GMA Network (YT)

Palaisipan sa maraming netizens ang hirit ni Unkabogable Star Vice Ganda tungkol sa mga nagkukunwaring humahanga sa kaniya.

Sa isang X post ni “@MIRAbellabells” nitong Biyernes, Setyembre 26, mapapanood ang video clip mula sa isang episode ng “It’s Showtime.”

Isang contestant ng segment na “Laro, Laro, Pick” ang nagpakilala kay Vice bilang fan na kalaunan ay humirit ng bati.

“Puwede po ba akong bumati?” usisa ng contestant na kinilalang si “Joteng.”

Tsika at Intriga

Galit na lumayas! Claudine at utol ni Korina, naghiwalay dahil sa kasambahay?

Sagot tuloy ng Unkabogable Star, “O, ‘yon lang naman pala. Ginagamit-gamit mo lang ako. Uutuin n’yo ako na kunwari idol n’yo ako. Tuwang-tuwa kayo sa akin. Pero babati lang naman kayo.”

“Kunwari lang idol n’yo ako pero bina-bash n’yo rin naman ako ‘pag may mga eksena ako sa Facebook,” dugtong pa niya.

Ni-repost tuloy ng mga netizen sa kani-kanilang X account ang nasabing video clip. Narito ang ilan sa kanilang reaksiyon:

"Bwahahahhahaha. Paano ba yan meme vice mukhang magpaplastikan nalang kayo sa set ng Call Me Mother. "

"Vice ganda ended her career"

"ung igs pa ni vice im sure na she's the most disappointed about this talaga kasi she really admired her tas malalaman na ganon..."

"oh naur "

"Kwinshit talaga tong si vice hahahha walang sinasanto, sikat ka man or starlet HAHAHHAHA"

"Di kn talaga makakabalik manipulative bitch  @EtrataShuvee hahahaha"

"hoy starlet @EtrataShuvee makinig ka kay nhay’ed"

"ba't andaming nag-tatag kay shuvee dito? as if hindi mahal na mahal si shuvee ng mga gay friends niya from high school to college ah? spreading false narratives, gusto niyo jail?"

Matatandaang kinuyog kamakailan si Shuvee Etrata ng batikos matapos kalkalin ng ilang netizens ang lumang videos at posts niya partikular ang pagpapakita niya ng suporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero kahit humingi na ang Kapuso Sparkle artist ng paumanhin sa mga nasaktan niya at nadismaya, tila patuloy pa rin siyang pinuputakti.

Kaya sa isang Faceook post ni GMA Network Senior Vice President Annette Gozon-Valdes nitong Biyernes, Setyembre 26, dinepensahan niya si Shuvee at sinabing hindi umano ito “die hard” sa sinomang politiko.

Maki-Balita: Annette Gozon-Valdes, dinependahan si Shuvee Etrata: 'Let's respect each other's opinion'

Samantala, bagama't ipinagpapalagay ng ilang netizens na si Shuvee ang pinatutungkulan ni Vice, malinaw na walang binanggit na pangalan ang huli.