Viral ngayon sa social media ang isang realistic cake na kasing laki ng isang tunay na buwayang pinagtulungang gawin ng mga professional baker mula sa Davao City.
Ayon sa kamakailang kumalat na larawan mula sa isang post ng professional Chef na si Hannah Granado sa kaniyang Facebook, makikita ang buwayang nakatambad sa mesa na katabi niya at ng kaniyang mga kasamahan.
Ngunit lumabas na hindi pala iyon tunay na buwaya kundi isang cake na maaaring ligtas na kainin ng sinomang tao.
Photo courtesy: Hannah Granado
Ayon sa naging eksklusibong panayam ng Balita kay Granado nitong Setyembre 26, 2025, sinabi niyang naimbitahan siyang gawin at pangunahan ang proyektong gumawa ng nasabing realistic crocodile cake.
“It was not my idea. I was invited to join and lead the team for this project,” anang Granado.
Pagbabahagi pa ni Granado, nakatulong niya sa proseso ng paglikha ng realistic crocodile cake ang kaniyang mga kaibigan at dalawa pa niyang assistant.
“I worked with four of my friends from the industry and two assistants who helped us throughout the process,” ayon kay Granado.
Dagdag pa ni Granado, hindi lang isang paraan ang naging proseso ng paggawa nila ng cake upang maisakatuparan nila ang makatotohanang imahe nito.
“For the cake base, we used vanilla cake, frosted it with milk chocolate ganache, and then covered it with fondant to achieve the realistic details,” saad ni Granado.
Pagpapatuloy niya, inabot ng pitong araw ang pagsasagawa nila sa nasabing crocodile realistic cake na may bigat na 250 kilos at haba na apat (4) na metro.
“We started baking last September 15, and it took us a total of 7 days to finish everything,” ‘ika ni Granado.
Aniya, dinala nila ang nasabing realistic crocodile cake sa Rizal Park, Davao City para i-display sa isang event at kinain iyon ng mga taong nagpunta doon pagkatapos.
“The crocodile cake was displayed at Rizal Park during the Pray for the Philippines event. After the display, the cake was distributed to the people who attended the event,” pahabol pa ni Granado.
Photo courtesy: Hannah Granado
Nagbahagi naman si Granado ng naging karanasan nila sa pagbuo ng nasabing realistic cake sa kaniyang Facebook post noong Huwebes, Setyembre 25, 2025.
“Making this life-sized crocodile cake was both a challenge and a thrill. Every curve and detail came alive with the smooth workability of Beryl’s chocolate, giving structure and depth, while Sevona couverture chocolate elevated the flavor profile with its rich, balanced taste.
“From carving the base cakes to sculpting the head and tail, the process required patience, precision, and plenty of creativity,” saad ni Granado sa kaniyang post.
Samantala, namangha naman ang netizens mula sa mga larawang ibinahagi ni Granado sa kaniyang Facebook account.
Anila, obra maestrang maituturing ang nilikha nina Granado at ng kaniyang mga kasamahan dahil sobrang mukha umano talagang buwaya ang ginawa nilang cake.
Narito ang ilang komento ng mga tao kaugnay sa naturang post ni Granado:
“Akala ko sa Foodnetwork at Netflix ko lang makikita ito. Im proud of you we can make it also Yes in Davao City.”
“I salute you Chef Hannah Granado for the superb work of art. Hindi ko talaga alam na you have reached that far.You are more than extraordinary in your performance! A snap salute!”
“Ang galing nyo po maam, your creations made us so proud .... ang galing nang taga Davao.”
“That's great work efforts and craftsmanship My salute to the master ! Ms Hannah Granado.”
“Congratulations Ms. Hannah for your super creative, and fantastic obra maestra cake flavored with love and patience!”
“This is incredible! The way you've brought the crocodile to life with chocolate is just wow.”
“A talent at its finest.”
“Ang galing very realistic!”
Mc Vincent Mirabuna/Balita