December 13, 2025

Home BALITA National

Bagyong Opong, 6 na beses nag-landfall!

Bagyong Opong, 6 na beses nag-landfall!
PAGASA

Ibinahagi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na anim na beses nag-landfall ang Bagyong Opong.

Ang landfall ng bagyo ay nangangahulugan na ang sentro o mata ng bagyo ay tumama sa anumang kalupaan ng bansa, paliwanag ng PAGASA sa kanilang website.

Sa loob ng 12 oras mula noong Huwebes, Setyembre 25 hanggang ngayong Biyernes, Setyembre 26, anim na beses nag-landfall ang bagyong Opong.

1. San Policarpo, Eastern Samar - 11:30 PM, September 25
2. Palanas Masbate - 4:00 AM, September 26
3. Milagros, Masbate - 5:30 AM, September 26
4. San Fernando, Romblon - 8:10 AM, September 26
5. Alcantara, Romblon - 9:20 AM, September 26
6. Mansalay, Oriental Mindoro - 11:30, September 26

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Samantala, base sa 2:00 PM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng San Jose, Occidental Mindoro bandang 1:00 PM.

Taglay ang lakas ng hangin na 110 kilometers per hour at pagbugsong 150 kilometers per hour. Kumikilos na ito patungong West Philippine Sea sa bilis na 20 kilometers per hour.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo, bukas ng umaga o tanghali, Sabado, Setyembre 27.