Nagpahayag ng kaniyang sentimyento ang radio host na si DJ Chacha kaugnay sa mga perang tinatawag umanong “basura.”
Ito ay matapos isiwalat ng dati umanong sundalo na si Orly Regala Guteza ang “basura scheme,” paraan kung saan tinutukoy bilang mga “basura” ang mga perang nakalagay sa mga maleta, na dinadala sa bahay nila dating House Speaker Martin Romualdez at Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.
“Tagabuhat lang ako ng maleta ng basura. Ang ibig sabihin ng basura ay maleta na may lamang pera,” ani Guteza.
“Ang bawat maleta ay malamang humigit-kumulang ₱48 milyon,” dagdag pa niya.
MAKI-BALITA: 'Basura scheme?' Pagdeliver ng mga pera sa bahay nina Romualdez, Co, ikinanta ng dating sundalo-Balita
Ibinahagi ni DJ Chacha sa kaniyang X post nitong Huwebes, Setyembre 25, ang kaniyang mga hinaing ukol dito.
“‘Y[o]ng perang pinagpapaguran at pinaghihirapan natin, BASURA ang tawag nila,” ani DJ Chacha.
“Araw-araw pasakit [nang] pasakit sa puso. NAKAKAGALIT,” dagdag pa niya.
Hindi namang naiwasang magkomento ng netizens hinggil sa nasabing post ng DJ.
“Nasaan na ang mga HipHop Gangsters na nag-riot sa Mendiola kapag kailangan sila?! Nasa Senate mga kawatan…wala sila sa SOGO Recto”
“Sarap nila ilublub sa baha ng basura.”
“Kada banggit ng basura nakaka disappoint.! Tapos sya tuloy tuloy parin!”
“Grabe yung 3 times a week na p[a]ghatid ng luggage of cash”
“‘basura’ is the common term used by law enforcement personnel for illicit money or things.”
Kaugnay nito, nanindigan si House Speaker Faustino Dy na hanggang sa Lunes, Setyembre 29 na lamang ang palugit ni Rep. Zaldy Co upang bumalik ng Pilipinas.
MAKI-BALITA: 'Tuloy ang deadline!' Speaker Dy, nanindigang hanggang Sept. 29 na lang palugit kay Rep. Co para makauwi-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA