December 13, 2025

Home BALITA National

'Walang katotohanan ang mga bintang sa akin!'—Nancy Binay

'Walang katotohanan ang mga bintang sa akin!'—Nancy Binay
Photo courtesy: via MB

Agad na nagbigay ng reaksiyon at pahayag si dating senador at kasalukuyang Makati City Mayor Nancy Binay matapos madawit at mabanggit ang pangalan niya sa maanomalyang flood control projects, sa isinagawang Senate Blue Ribbon Committee hearing ngayong Huwebes, Setyembre 25.

Aniya sa kaniyang Facebook post, "Nagugulat at nalulungkot ako na dinadamay ako sa mga anomalya ng DPWH. Walang katotohanan ang mga bintang sa akin."

"Tahimik po tayong nagtatrabaho bilang Mayor ng Makati. Nakakagulat na nagagamit tayo para ipanglihis sa mga tunay na kailangan panagutin sa issue na ito."

"Madaling magbigay ng mga mali at mapanirang salaysay. But my performance in public service has always been above board and beyond a shadow of doubt."

National

‘Be sensitive!’ DOH, nagpaalala na isaalang-alang damdamin ng iba ngayong holiday season

Photo courtesy: Screenshot from Nancy Binay/FB

Bukod kay Binay, nabanggit din ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Roberto Bernardo ang dating senador na si Ramon "Bong" Revilla, Jr. gayundin ang dating senate president na si Chiz Escudero.

Aniya, sa isang bahay daw sa Quezon City inihatid ni Bernardo ang porsyento para kay Binay.

“Engineer Alcantara collected 15% commitment or about 37 million which was turned over to me and which I then delivered to Senator Binay at a house in Quezon City,” pahayag ni Bernardo.

KAUGNAY NA BALITA: Escudero, Binay, Revilla, ikinantang humingi ng kickback sa budget ng flood control projects