Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na para lamang sa seguridad ang witness protection program at hindi umano proteksyon para sa pananagutan.
Sa inilabas na pahayag ng DOJ nitong Huwebes, Setyembre 25, 2025, kasama ang kontraktor at magsawang Curlee at Sarah Discaya sa mga nakapasok sa provisional acceptance para sa Witness Protection Program (WPP).
Pasok din sa nasabing programa ang ilang dating tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sina Engr. Brice Hernandez, Engr. Henry Alcantara, Jaypee Mendoza at dating Undersecretary Roberto Bernardo.
Paglilinaw pa ng DOJ, “This means that, for the duration of this provisional period, they are considered Protected Witnesses for purposes of protection.
Dagdag pa ng ahensya, “At present, the assistance extended to them is limited to security and escort.”
Mariin ding nilinaw ng DOJ na ang proteksyong ipinagkakaloob daw nila kina Discaya at mga dating tauhan ng DPWH ay hindi naglalayong protektahan sila sa anumang pananagutan nila sa batas.
“It is meant to protect them from harm, not from liability,” anang DOJ.
Matatandaang ang mag-asawang Discaya ay kabilang sa mga kontraktor na pumaldo ng mga kontrata sa gobyerno, kabilang na ang maanomalyang flood control projects. Habang ang mga dating tauhan naman ng DPWH na nabanggit ay ang mga indibidwal na nagsiwalat ng nangyayaring kickback umano ng kanilang ahensya kasabwat ang ilang mga senador at kongresista.