December 13, 2025

Home BALITA National

'Opong' posibleng lumakas pa bilang typhoon; Northern at Eastern Samar, pinaghahanda ng PAGASA

'Opong' posibleng lumakas pa bilang typhoon; Northern at Eastern Samar, pinaghahanda ng PAGASA
PAGASA

Pinaghahanda ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga residente ng Northern at Eastern Samar dahil sa posibleng pag-landfall ng severe tropical storm 'Opong' bilang "typhoon."

Base sa 5:00 PM press briefing ng PAGASA, ibinahagi ni PAGASA Asst. Weather Chief Chris Perez na huling namataan si 'Opong' sa layong 195 kilometers East Northeast ng Guian, Eastern Samar o 225 kilometers East of Borongan City, Eastern Samar. 

Taglay nito ang lakas ng hangin na 110 kilometers per hour at pagbugsong 135 kilometers per hour. Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour. 

Kaugnay nito, hindi inaalis ng PAGASA na lumakas pa si 'Opong' bilang typhoon sa pag-landfall nito sa Samar Island bukas ng madaling araw, Setyembre 26.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

"Dapat maging handa po ang ating mga kababayan dito sa Northern and Eastern Samar for the possible landfall," saad ni Perez.

Gayunpaman, sakaling magbago ang direksyon ng bagyo puwede itong mag-landfall sa Catanduanes, Camarines Sur, Albay, at Sorsogon. Kung kaya't pinaghahanda rin ng PAGASA ang mga residente sa naturang mga lugar. 

Sa oras na mag-landfall ang bagyo sa Samar Island, tutumbukin din nito ang Sorsogon, Southern Portion ng Quezon, Southern Portion ng Marinduque, at Northern Portion ng Mindoro provinces. 

Bukod dito, dapat din daw maghanda ang Southern Luzon, ilang bahagi ng Visayas, at Metro Manila. 

Inaasahang lalabas ang bagyo sa Sabado ng hapon o gabi, Setyembre 27.