December 13, 2025

Home BALITA

‘Nilahat na!’ Alcantara, aminadong lahat ng proyekto ng DPWH ay ‘ginatasan’ para sa kickback

‘Nilahat na!’ Alcantara, aminadong lahat ng proyekto ng DPWH ay ‘ginatasan’ para sa kickback
Photo courtesy: screengrab Senate of the Philippines

Aminado si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) District Engineer Henry Alcantara na wala silang pinalampas na proyekto ng naturang ahensya na hindi "nagatasan."

Sa pagpapatuloy ng ikaanim na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Huwebes, Setyembre 25, 2025, iginiit niyang bukod sa flood control projects, maging ang mga pondo para sa classrooms at mga tulay ay kasama sa pinoporsyentuhan nila.

“May pinalampas ba kayo na proyekto na wala nabg porsyentuhan? Sabi po n’ya (Brice Hernandez) lahat may porsyentuhan. Classroom, building, kalsada, tulay, flood control, lahat na. Do you confirm this Engr. Henry,” tanong ni Sen. Bam Aquino kay Alcantara.

Diretsong pag-amin naman ni Alcantara, “Yes your honor. Lahat po ng projects ay mayroon po ang office at mayroon po ang mga proponent po your honor.”

National

'Admin, Duterte group, liberal groups dapat magkaisa para sugpuin korapsyon!'—Ex-PNR Chair Macapagal

Matatandaang nauna nang binanggit nina Alcantara at naging ng kontraktor na mag-asawang Curlee at Sarah Discaya ang mga porsyentong ibinibigay nila bago tuluyang simulan ang proyekto ng DPWH.

Ayon sa sinumpaang pahayag ni Curlee, kasama sina Romualdez at Co bilang mga opisyal na nakakatanggap umano ng 25% sa budget ng flood control projects na hawak ng mga Discaya.

“Karamihan sa mga kawani ng DPWH na nabanggit sa itaas ay paulit-ulit na binabanggit ang delivery ng pera ay para kay Zaldy Co, na dapat ay at least 25%,” ani Curlee.

Saad pa niya, “Si Cong. Marvin Rillo naman ay ilang beses binabanggit ang pangalan ni Speaker Martin Romualdez bilang kaniyang malalapit na kaibigan.”

KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Mga politiko at gov't officials na nanghingi umano ng 10-25% share sa proyekto ng mga Discaya

Samantala, nito lamang ding Huwebes, nang ikanta naman ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na ilang senador pa raw ang sangkot umano sa panghihingi ng kickback sa mga proyekto ng kanilang ahensya.

KAUGNAY NA BALITA: Escudero, Binay, Revilla, ikinantang humingi ng kickback sa budget ng flood control projects