January 24, 2026

Home BALITA

'Malversion, indirect bribery,' posibleng isampa ng NBI laban sa mga pinangalanang sangkot sa flood control projects

'Malversion, indirect bribery,' posibleng isampa ng NBI laban sa mga pinangalanang sangkot sa flood control projects

Inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Huwebes, Setyembre 25, 2025 ang pagsasampa ng reklamong “malversation” at “indirect bribery” laban sa mga indibidwal na idinadawit ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Roberto Bernardo sa kontrobersya sa flood control projects.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nanumpa si Bernardo sa kaniyang affidavit sa loob ng apat na oras na pananatili nito sa Department of Justice bago siya ibinalik sa Senado.

“It is sworn to already, but we will furnish it immediately to the Senate so that the fear of the other senators will not matter, kasi nga we are doing this at the same time,” pahayag ni Remulla.

Bago pumunta sa DOJ, pinangalanan ni Bernardo sina Sen. Francis Escudero, Ako Bicol Rep. Zaldy Co, Education Undersecretary Trygve Olaivar, at dating mga senador Bong Revilla at Nancy Binay bilang sangkot umano sa kickback scheme para sa mga flood control project.

2 dambuhalang sawa, nahuli sa kisame ng magkaibang bahay, 1 sa kanila, nakalunok ng tuta!

KAUGNAY NA BALITA: Escudero, Binay, Revilla, ikinantang humingi ng kickback sa budget ng flood control projects

“Lahat ng binanggit yes,” kumpirmasyon ni Remulla.

Dagdag pa ni Remulla, dadaan sa vetting process ng Senado ang affidavit ni Bernardo.

“After evaluating everything and the supplemental affidavit that they just drew up with his lawyers, the NBI already recommended, but of course nobody has seen that affidavit, we will let the Senate vet it first,” ani Remulla.

Samantala, sa hiwalay na pahayag, matatandaang mariing pinabulaanan nina Sen. Chiz Escudero at dating senador Nancy Binay ang pagkakaladkad sa kanila sa isyu ng maanomalyang flood control projects. 

“Puro talaga senador ang tinuturo?! Nasaan si Zaldy Co? Nasaan na si Rep. Martin Romualdez sa lahat ng ito?! Nasaan ang mga kasabwat nya?! Kung babasehan natin ang testimonya ni Usec. Bernardo, wala sila lahat kasalanan o kinalaman dito. Di naman ata ito kapani-paniwala,” ani Escudero. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Puro talaga senador tinuturo?!' Sen. Chiz pumalag sa pandadawit sa kanila sa flood control projects

Saad naman ni Binay, "Tahimik po tayong nagtatrabaho bilang Mayor ng Makati. Nakakagulat na nagagamit tayo para ipanglihis sa mga tunay na kailangan panagutin sa issue na ito."

Dagdag pa niya, "Madaling magbigay ng mga mali at mapanirang salaysay. But my performance in public service has always been above board and beyond a shadow of doubt."

KAUGNAY NA BALITA: 'Walang katotohanan ang mga bintang sa akin!'—Nancy Binay