Ilulunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga inisyatibang emergency employment, livelihood support, at skills training programs para sa displaced constructions works sa bansa.
“Our priority is the welfare of the workers who suddenly lost income. We are making sure that timely, coordinated interventions reach them,” saad ni DOLE Sec. Bienvenido Laguesma.
Ayon pa sa kalihim, ang inisyatibang ito ay para sa mga construction workers na naapektuhan ng kamakailang suspensyon ng flood control projects sa gobyerno.
Kasama rin dito ang mga nasa ilalim ng subcontracting arrangements, na nakauwi na sa kanilang mga probinsya.
Kinumpirma ng National Union of Building and Construction Workers (NUBCW) na ang suspensyon ng mga proyekto ay nakaapekto sa libo-libong construction workers, na karamihan ay nakaasa sa arawang kita at breadwinner pa ng kanilang mga pamilya.
Bilang tugon, nakipagtulungan ang DOLE sa NUBCW at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa paglunsad ng mga sumusunod na programa:
- TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) - isang short-term o panandaliang emergency employment sa mga manggagawa.
- DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) - programang magbibigay ng livelihood packages na layong makatulong sa mga manggagawa na magbukas ng sariling negosyo.
- TESDA Certification and Training - programang magbibigay pagkakataon na makapag-upskill ang mga manggagawa.
Sean Antonio/BALITA