December 13, 2025

Home BALITA National

DOH, itinaas ang ‘Code White Alert’ bilang paghahanda sa Bagyong Opong

DOH, itinaas ang ‘Code White Alert’ bilang paghahanda sa Bagyong Opong
Photo courtesy: DOH (FB)

Itinaas na ng Department of Health (DOH) ang “Code White Alert” sa bansa bilang paghahanda sa inaasahang landfall ng Bagyong “Opong” sa rehiyon ng Bicol, sa Biyernes, Setyembre 26. 

Ayon sa Facebook page ng DOH, sa ilalim ng Code White Alert, inihahanda na ng DOH Operations Centers (OpCen) ang mga kakailanganing gamot, medical equipment, at health emergency response team sa mga rehiyong apektado ng bagyo. 

Kabilang rin sa paghahanda ay ang pag-antabay ng tatlong Philippine Emergency Medical Assistance (PEMAT), na kinikilala ng World Health Organization (WHO), sa mga ospital na apektado ng bagyo. 

Nakaantabay din ang Unified 911 at iba pang local emergency hotlines para sa mga mangangailan ng tulong. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Sa kaugnay na balita, nagbigay ng karagdagang paalala ng DOH para siguraduhin ang kaligtasan ng bawat indibidwal at pamilya mula sa hagupit ng Bagyong Opong: 

- Maghanda ng go-bag

- I-charge ang phone at power bank

- Pakinggan at antabayanan ang anunsyo ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) at LGU (Local Government Unit). 

- Agad na lumikas kung kinakailangan 

- Tumawag sa National Emergency Hotline 911 o iba pang lokal na emergency hotlines sa oras ng pangangailangan 

Sean Antonio/BALITA