December 13, 2025

Home BALITA Metro

Dagdag-tauhan na mag-aassist sa mga pasahero sa Commonwealth Ave., inilunsad na

Dagdag-tauhan na mag-aassist sa mga pasahero sa Commonwealth Ave., inilunsad na
Photo courtesy: DOTR, LTO

Inilunsad na ng Department of Transportation (DOTr) ang inter-agency operation na magpapadala ng mga tauhan at magbibigay assistance sa commuters sa Commonwealth Ave., Quezon City, noong Miyerkules, Setyembre 24. 

Ayon kay Acting Transportation Sec. Giovanni Lopez, ang nasabing inter-agency operation ay tutugon sa mga problema ng publiko sa kanilang commute tulad ng mahabang paghihintay ng masasakyan, overcrowding, at mapanganib na pagsakay sa PUVs (Public Utility Vehicles). 

Katuwang sa inter-agency operation na ito ay ang mga ahensya na; Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine Coast Guard (PCG), at Quezon City Department of Public Order and Safety (QC-DPOS). 

“Pilot run pa lamang ito, para makita natin kung saang mga lugar kailangang mag-deploy ng mga personnel, at kung gaano karaming PUVs ang dapat idagdag para hindi araw-araw nakikipagsapalaran ‘yung mga pasahero para lang makasakay,” saad ni Lopez. 

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Sa ilalim ng inisyatibong ito, ang mga kawani ng mga ahensya ay ipapadala sa high-impact stations para matulungan ang commuters, partikular ang senior citizens at persons with disabilities (PWDs) sa pagsakay sa PUVs habang inoobserba ang oras ng kanilang paghihintay sa masasakyan. 

Ang MMDA at QC-DPOS ay naatasang maglagay ng mga signage, markers, barikada, at identified loading at unloading areas. 

Ayon sa DOTr, ang mga lugar na ito ang kasalukuyang PUV stops para sa inter-agency commuter assistance: 

East Bound 

- Tandang Sora PUV Stop

- Don Antonio Heights PUV Stop

West Bound 

- (Fairview-Philcoa)
Batasan PUV Stop 

- Don Antonio Heights 

- Philcoa PUV Stop

Sean Antonio/BALITA