Nag-anunsyo ng suspensyon ng mga klase sa lahat ng antas at government offices ang Malacañang, sa darating na Huwebes, Setyembre 25, 2025 bunsod ng banta ng bagyong Opong.
Ayon sa Palasyo, kabilang ang mga probinsya ng:
Sorsogon
Masbate
Northern Samar
Easter Samar
sa mga lugar na may suspensyon ng mga klase at opisina ng gobyerno.
Habang suspendido naman ang klase sa lahat ng antas sa:
Quezon
Marinduque
Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes
Albay
Samar
Biliran
Ayon sa weather bulletin update ng PAGASA as of 5:00 nitong hapon ng Miyerkules, Setyembre 24, nananatiling severe tropical storm ang Opong na malapit sa bahagi ng Surigao del Norte.