December 14, 2025

Home BALITA

Total damage ng riot sa Maynila, pumalo ng tinatayang P10 milyon—Yorme

Total damage ng riot sa Maynila, pumalo ng tinatayang P10 milyon—Yorme
Photo courtesy: Contributed photo

Kinumpirma ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso na aabot sa tinatayang ₱10 milyon ang kabuuang danyos sa iba’t ibang parte ng Maynila bunsod ng nangyaring riot noong Linggo, Setyembre 21, 2025.

Sa kaniyang press briefing nitong Miyerkules, Setyembre 24, kasama sa nabanggit na kabuuang halaga ay ang danyos sa pinsalang tinamo ng isang hotel na pinasok ng ga raliyista at pulis habang nagkakagulo. 

“Umabot na sa ₱10 million pesos ang damage, Sogo, MMDA, City of Manila properties ₱10.4 more or less but more than ₱10 million may break down na,” anang alkalde.

Nilinaw din ni Isko na hindi rin agad mapapalitan ang mga stoplight na winasak ng ilang grupo ng kabataan 

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

“The challenge is hindi naman kaagad mapalitan yung stoplight ng MMDA, because it’s a unique product. ‘Di naman lagi available sa mercury drug o sa hardware. So it will take time to put back all those,” ani Domagoso.

Matatandaang nauwi sa gulo ang demonstrasyon sa Mendiola, Recto at Quezon Boulevard sa Maynila matapos magkainitan ang hanay ng mga raliyista at pulisya kung saan ilang mga government property ang sinira ng mga demonstrador.

Ayon kay Domagoso, isang dating politiko raw at abogado ang nasa likod ng nangyaring kaguluhan.

KAUGNAY NA BALITA: Dating politiko, isang abogado, nasa likod umano ng riot sa Mendiola—Mayor Isko

Samantala, sa hiwalay na pahayag, iginiit ng alkalde na dapat aniyang pagbayaran ng mga grupo ng raliyista ang mga  danyos at pananakit umano sa hanay ng pulisya.

 “Nagdesisyon sila ng ganyan, then we will throw the books at them, for all those damages, government properties, lahat ng na-apprehend will be charged, and I will make sure, I will make sure that they will pay the price,” saad ni Domagoso.

KAUGNAY NA BALITA: 'Bakit parang adik ‘tong mga nandidito?' Yorme, ikinumpara mga raliyistang nasa Recto at Luneta