Pinasinungalingan ni singer-songwriter at "It's Showtime" host na si Ogie Alcasid ang kumakalat na post na nakaratay siya sa isang ospital para sa treatment niya ng lung cancer.
Ayon kay Ogie, isang fake news ang kumakalat na mga larawan niya na siya raw ay may lung cancer.
"Isa na namang malaking fake news ito!!!" aniya sa kaniyang Instagram post.
Hindi na bago kay Ogie ang mabiktima ng fake news.
Gamit ang nabanggit na parehong larawan, ginamit ng fake news peddler ito para ipakalat noong Abril 2024 na naospital siya dahil sa osteoarthritis at gumaling siya dahil sa pinahid na cream.
Sa kaniyang Instagram post nitong Sabado, Abril 13, inilakip ni Ogie ang ilang mga larawan kung saan makikitang nasa isang ospital siya at nakaratay sa hospital bed.
Mababasa rito na nagpapasalamat siya sa ospital dahil sa pag-aasikaso sa kaniya, at nakatulong nang malaki ang ginamit niyang cream para mawala ang nabanggit na sakit.
May kasama pa itong larawan ng isang doktor, ng packaging ng cream, at isa pang larawan ni Ogie na tila malakas na siya at nakakapag-outdoor activity na.
Sa caption, mariing pinabulaanan ni Ogie na hindi niya ineendorso ang cream
"Hindi ko po iniindorso ito at wag po kayo magpaloko," aniya.
KAUGNAY NA BALITA: Ogie Alcasid, nagbabala tungkol sa 'pagkakaospital' niya
Bukod dito, nabiktima rin si Ogie ng "death hoax."