Usap-usapan ang umano'y pag-unfollow ninaPinoy Big Brother Celebrity Collab Big Winner at Sparkle GMA Artist Center talent Mika Salamanca at anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na si Veronica "Kitty" Duterte sa Instagram ng isa't isa matapos bahain ng batikos mula sa mga netizen.
Isa kasi si Mika sa mga hayagang nagpapaulan ng kaniyang saloobin sa nangyayaring korapsyon sa pamahalaan, kaugnay ng maanomalyang flood control projects, at isa nga siya sa mga artista, celebrity, at personalidad na nakiisa sa "Trillion Peso March" na ginanap noong Linggo, Setyembre 21.
Pero ang bashers na netizen, inatake si Mika matapos ungkatin nga ang friendship niya kay Kitty, na itinuturing daw na isa sa mga "nepo baby."
Matatandaang bago pa man pumasok sa Bahay ni Kuya si Mika, alam na ng publiko na malapit siya kay Kitty. Sa katunayan, nakakasama pa nga niya ito sa ilang contents, kagaya sa TikTok.
Kasama pa nila ang isa pang content creator na si Dani Raymundo.
Kaya naman nagsalita na si Mika sa pamamagitan ng X post niya.
"i understand where the disappointment and frustration are coming from and i am truly sorry. if i can only say one thing about this, i assure you that i stand and will always stand with the people. yes i admit that i had questionable choices of friends when i was at my lowest, but one thing has always been clear to me, i've always made sure to stand my ground even during those times. i spoke about what i believed in no matter who i was around."
Photo courtesy: Screenshot from Mika Salamanca/X
Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"Mika, please don’t be sorry. What you did took courage, and we’re so proud of you. Thank you for standing your ground and speaking up. We see you, we believe in you, and we’ll always be here for you. Nandito lang kami palagi."
"I love you, Mikmik. Never doubted you since day one. You don’t even need to do this. You don’t owe anyone an explanation. We know you and your heart. There’s so much going on right now, but I hope you’re okay."
"Thank you for your honesty, we appreciate your sincerity."
"I love you, Mika. we'll always be here, standing with you. You will never be alone."
"Mahal ka namin Miks. We know your heart and your fight. Kasama mo kami sa laban."
Pero bukod kay Mika, binanatan din ng mga netizen ang isa pang ex-PBB Celebrity Collab housemate at Kapuso star na si Shuvee Etrata, matapos makalkal ang isang old video niya, na tila pinupuri ang tatay ni Kitty, ang dating pangulo, dahil sa war on drugs nito.
Dahil dito, naglabas ng kaniyang opisyal na pahayag si Shuvee.
""I’m deeply grateful for the support many of you have shown. Bago lang po lahat to sa akin. Kaya pasensya na po sa lahat ng na-disappoint at nasaktan ko."
“I understand that what I said in the past caused hurt to some and I take responsibility for it."
“Sa totoo lang po, iniiwasan ko po talaga ang magsalita tungkol sa politics dahil napaka-divisive nito. Ang mas mahalaga sa akin ngayon ay ang mahalin ang bayan at manindigan laban sa sumisira nito tulad ng korapsyon. Lalo na po ngayon."
“Huwag po kayong mag-alala, natuto na po ako. Lalawakan ko pa po ang pag-iisip ko para sa ating lahat. I will continue to learn and grow."
“Mahal ko po kayo at mahal ko ang Pilipinas lalo na sa panahon ngayon. I stand for and with the Filipino people—always," aniya.
KAUGNAY NA BALITA: 'Huwag kayo mag-alala, natuto na ako!' Shuvee Etrata, nagsalita matapos ma-bash dahil sa politika
Samantala, sa ulat ng PEP, kapansin-pansin daw na tila wala na sa following list ng isa't isa ang dalawa. Tanong ng mga netizen, ibig bang sabihin daw nito, "friendship over" na sina Mika at Kitty?
Binisita naman ng Balita ang kani-kanilang Instagram accounts upang i-verify kung hindi nga sila naka-follow sa isa't isa, at napag-alamang hindi nga.
Photo courtesy: Screenshot from Mika Salamanca/IG
Photo courtesy: Screenshot from Mika Salamanca/IG
Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo nina Mika at Kitty tungkol dito.