January 09, 2026

Home BALITA

‘Galit ang Pangulo sa ganiyan!’ Palasyo iginiit tindig ni PBBM sa isyu ng kickback ng mga politiko

‘Galit ang Pangulo sa ganiyan!’ Palasyo iginiit tindig ni PBBM sa isyu ng kickback ng mga politiko
Photo courtesy: screengrab PCO/FB

Inihayag ni Presidential Communication Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro ang paninindigan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa isyu ng pangki-kickback ng mga politiko sa maanomalyang flood control projects.

Sa kaniyang press briefing nitong Miyerkules, Setyembre 24, 2025, iginiit niyang galit si PBBM sa ganoong gawain.

“Galit po ang Pangulo sa ganiyan” ani Castro. 

Dagdag pa niya, “Hindi po dapat ipagmalaki na napakalaki ng naki-kickback o nagiging komisyon ng mga public officials na ito, kaya po galit ang Pangulo.” 

National

PBBM, bumida sa paglulunsad ng Project AGAP.AI sa QC

Nang tanungin ng media ang dahilan ng posible raw paglobo ng kickback ng mga politiko na hanggang 30%, saad ni Castro, “Wala pong nakikitang kung anumang dahilan. Siguro sobra lang pong ganid ang mga public officials na ito at walang kabusugan.” 

Matatandaang makailang beses na ring iginiit ni PBBM ang kaniya raw personal na galit sa mga korap, at saka nagpahayag ng suporta sa mga ikinakasang kilos-protesta laban sa korapsyon.

“Do you blame them for going out into the streets? If I wasn't President, I might be out in the streets with them,” saad ng Pangulo.

Giit pa ng Pangulo, may karapatan daw na magalit ang taumbayan at magpahayag ng kanilang nararamdaman ng mga nangyayari.

“Of course they are enraged. Of course they are angry. I am angry. We should all be angry. Because what's happening is not right. So, yes, express it. You come, you make your feelings known to these people, and that makes them answerable for the wrong doings that they have done,” ani PBBM. 

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, iginagalang mga kabi-kabilang kilos-protesta—Palasyo