January 04, 2026

Home BALITA

Davao City, rank 1 bilang Best City na maaaring bisitahin sa bansa ayon sa WTI

Davao City, rank 1 bilang Best City na maaaring bisitahin sa bansa ayon sa WTI
Photo courtesy: City Government of Davao (Website, Fb)

Nakamit ng Davao City ang pinakaunang puwesto bilang “Best City” na maaaring puntahan sa Pilipinas ayon sa World Travel Index (WTI). 

Ayon sa inilabas na ulat ng City Information Office (CIO) ng Davao City sa kanilang website nitong Miyerkules, Setyembre 24, 2025, ibinalita nilang nangunguna ngayon ang kanilang siyudad bilang ligtas na lugar sa Pilipinas na maaaring puntahan ng mga tao. 

Batay ito sa isinagawang pag-aaral ng WTI sa mga siyudad sa bansa na taglay ang ilang salik halimbawa ng gastusin sa overnight stays, pagkain, gastusin sa mga lokal na bilihin, pagrenta sa mga sasakyan, presyo ng gasolina, dekalidad na mga local attractions, kaligtasan ng mga turista, at ganda ng mga imprastraktura. 

Nakapagtala ng kabuuang score na 75.48 ang Davao City bilang nangunguna sa bansa. 

Metro

‘Traffic Advisory’ sa Translacion 2026, inilatag na para sa mga deboto at motorista

Habang 73.83 naman sa Makati, 73.57 sa Puerto Princesa, 73.23 sa Dumaguete, 72.75 sa Baguio, 72.55 sa Cebu City, 70.39 naman sa Iloilo, 68.43 sa Manila, 68.31 sa Legazpi, at 68.09 naman sa Lapu-Lapu City. 

“The city’s commitment to providing a secure and enjoyable travel experience has made it a preferred destination for domestic and international tourists,” ayon sa WTI. 

Dagdag pa ng Davao City Government, ilan sa mga malakas na nakaaakit sa mga turista para pumunta sa kanilang siyudad ay ang kanilang mga major events halimbawa ng Kadayawan Festival, Araw ng Dabaw, at Pasko Fiesta. 

Anila, ang tala ng bilang ng mga turistang nagpunta sa kanilang siyudad mula 2022 hanggang 2024 ang isa sa patunay ng kanilang pagiging ligtas na lugar. 

Nakapagtala ang Davao City ng 897,406 libong bilang ng mga nagpuntang turista sa kanilang siyudad noong 2022, habang 1,296,928 milyon bilang naman noong 2023, at 1.82 milyong bilang noong 2024. 

“Davao City continues to stand out for its balance of budget-friendly travel, enjoyable experiences, and safe environment,” pagtatapos nila. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita