December 13, 2025

Home BALITA National

Dahil sa bagyong Opong: Probinsya ng Samar, nakataas na sa wind signal no. 1!

Dahil sa bagyong Opong: Probinsya ng Samar, nakataas na sa wind signal no. 1!
PAGASA

Nakataas na sa probinsya ng Samar ang tropical cyclone wind signal no. 1 dahil sa tropical storm "Opong." 

Base sa tropical cyclone bulletin ng PAGASA, as of 11:00 AM, lumalakas ang bagyong Opong habang kumikilos pa-west southwest.

Huling manataan ang sentro ng bagyo kaninang 10:00 AM sa 815 kilometro ng Silangan ng Northeastern Mindanao. Taglay nito ang lakas ng hangin na 85 kilometers per hour at pagbugsong 105 kilometers per hour. 

Dahil dito, nakataas na ang wind signal no. 1 sa Northern Samar, Eastern Samar, at Samar. Kung saan asahan ang "minimal to minor threat life and property." 

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

Samantala, posibleng mag-landfall ang bagyo sa Bicol Region sa Biyernes ng hapon, at dadaan sa Southern Luzon mula Biyernes ng hapon hanggang Sabado ng umaga.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga.