Mismong ang anak na ni Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co ang nakiusap sa kaniya na umuwi na raw siya ng Pilipinas at harapin ang mga alegasyon laban sa kaniya sa korte.
Sa pamamagitan ng Instagram posts nitong Miyerkules, Setyembre 24, 2025, naglabas ng opisyal na pahayag ang anak ng nasabing kongresista, na si Ellis Co, hinggil sa isyung kinasasangkutan ng kaniyang ama at maging ng kanilang pamilya.
Sa tatlong pahinang pahayag ni Ellis, mababasa sa ikatlong parte nito ang kaniyang mensahe sa amang si Rep. Elizaldy na magbalik-bansa na raw.
“To my father, come home and answer to the people. Have your time in court. People need answers,” ani Ellis.
Iginiit din ni Ellis na naiintindihan daw niya ang galit ng taumbayan sa kanilang pamilya, ngunit nakiusap din siya sa publiko hinggil sa brand at negosyong kaniyang kinakatawan.
“I understand the hate towards me and my family—but please spare the creatives who have done nothing but make an honest living off their hard work,” saad niya.
Isang panawagan din ang kaniyang iniwan sa huling parte ng kaniyang pahayag.
Aniya, “Free those who were unfairly imprisoned, and seek justice for those who put their lives at stake.”
Bago nito, matatandaang nauna na niyang banggitin sa kaniyang naunang pahayag na maging siya raw ay kaisa ng taumbayan sa pagkamuhi laban sa korapsyon.
“I want to express my deepest sympathies to the people who have mobilized and stood up against corruption in the streets. I am with you, I am on your side,” ani Ellis.
KAUGNAY NA BALITA: 'I am with you!' Anak ni Zaldy Co, nakisimpatya sa taumbayan; matagal na raw bumukod sa pamilya
Matatandaang isa si Co sa mga pangalan ng mga mambabatas na nilaglag ng mga Discaya na umano’y nanghihingi ng kickback sa halaga ng kontrata mula sa gobyerno.
KAUGNAY NA BALITA: Ilang DPWH offcials, pumuporsyento sa mga Discaya para umano kina Romualdez at Co