December 13, 2025

Home SHOWBIZ

'Collab with the Doppelganger?' Kuya Kim, Tommy Tiangco, nagsama sa isang video!

'Collab with the Doppelganger?' Kuya Kim, Tommy Tiangco, nagsama sa isang video!
Photo courtesy: Kuya Kim Atienza (FB)


Nag-collaborate sa isang maiksing video ang TV host na si Kim Atienza at ang anak ni Navotas lone district Rep. Toby Tiangco na si Tommy Tiangco.

Makikita sa Facebook post ni Kuya Kim noong Martes, Setyembre 23, na magkasama sila ni Tommy, habang ipinaliliwanag niya ang kahulugan ng salitang “doppelganger” matapos itong tanungin ng huli.

“Ang doppelganger ay isang German word na ibig sabihin ay double walker. ‘Yan ay isang German superstition [na] ‘pag nakakita ka ng taong lumalakad at kamukha mo, ‘yan ay masamang pangitain. Ibig sabihin, may masamang mangyayari,” ani Kuya Kim.

“Pero nakita kita, magkamukha tayo, mabuti ang mangyayari,” banat pa niya.

Matapos ang pagpapaliwanag, inaya ni Tommy si Kuya Kim na mag-Alden pose, saka ito nagpasalamat.

Umani ang nasabing video ng mga katuwa-tuwang reaksyon mula sa netizens:

“Swerte mo naging kamuka mo si kuya kim”

“Mga Nepobabies na tanggap ng sambayanan. Hahaha”

“parang sila pa yung mag tatay”

“Lol mas kuya kim pa kay kuya kim”

“Mag tatay ata kayo hehe”

“Pinagbiyak na buko eh”

Matatandaang matunog ang pangalan ni Tommy Tiangco sa iba’t ibang social media sites dahil sa mga nakatutuwa nitong content.

KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Si Tommy Tiangco, anak ni Toby Tiangco na kinaaaliwan ng netizens-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA