December 13, 2025

Home BALITA National

'Advance mag-isip?' Dating pics nina Hernandez at Alcantara na namimigay ng bota, nakalkal

'Advance mag-isip?' Dating pics nina Hernandez at Alcantara na namimigay ng bota, nakalkal
Photo courtesy: via BEKIMON, Beki Mon (FB)

Kumakalat ngayon sa social media ang isang lumang larawan nina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) District Engineers Brice Hernandez at Henry Alcantara kung saan makikita silang namimigay ng mga bota sa pupils ng isang pampublikong elementary school.

Sangkot ngayon sa kontrobersiya ang dalawang engineers matapos masiwalat ang umano'y korapsyon at anomalya sa mga "ghost" at substandard na flood control projects.

Sina Hernandez at Alcantara ang nagbunyag ng mga pangalan ng mga politiko at opisyal ng DPWH na sangkot sa bigayan ng kickback, kaya naman, ayon sa latest update ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla, nasa ilalim sila ng "protected witness program" upang hindi sila mangamba sa pagsisiwalat ng kanilang mga nalalaman tungkol sa nabanggit na anomalya.

Samantala, pinutakti naman ng mga netizen ang old photos ng dalawa na namamahagi ng mga bota sa elementary pupils. Ang bota, ay isang footwear na ginagamit na panangga sa paa kapag lulusong sa maputik na daan o kaya naman, baha.

National

TNVS drivers, bibigyan pa rin ng pagkakataon magpaliwanag bago patawan ng penalty–LTFRB Chairman Mendoza

Isa sa mga napa-react dito ang komedyanteng si "Bekimon."

Aniya, "Kaya pala namigay kayo ng bota noon haaaaaaa"

Photo courtesy: Screenshot BEKIMON/FB

Photo courtesy: Screenshot Beki Mon/FB

Sinakyan naman ito ng mga netizen at dinogshow ang mga larawan.

"Kase, kakailanganin pala ng mga bata yung bota"

"Alam na nila so advance mag-isip hahaha"

"Wahhh naniniwala sila na pag gumawa sila ng karamput na mabuti mahuhugasan yun sandamakmak na dungis at kasalanan nila. Nakaw ng bilyon, charity ng barya."

"Pumaldo na eh hahahaha."

"Na predict na nila sir. lubog ngani. haha"

"Barya lang sa knila yan."

"Kase alam nila masasanay na mga tao sa baha hahaha."

KAUGNAY NA BALITA: Brice Hernandez, pumiyok; pinapalobo presyo ng flood control projects

KAUGNAY NA BALITA: DPWH District Engineer, guilty sa kasong administratibo kaugnay sa flood control project