Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Super Typhoon Nando, ayon sa PAGASA nitong Martes, Setyembre 23.
As of 8:00 AM, ayon sa weather bureau, nakalabas na ng PAR ang bagyong "Ragasa," na dating Nando.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 340 kilometers West Northwest ng Calayan, Cagayan. Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 185 kilometers per hour at pagbugsong 230 kilometers per hour.
Patuloy ang pagkilos nito pa-West Northwestward sa bilis na 20 kilometers per hour.
Samantala, naging ganap nang bagyo ang low pressure area na binabantayan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Ang naturang bagyo ay huling namataan sa layong 1,090 kilometers Silangan ng Eastern Visayas. May taglay itong lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong 70 kilometers per hour.
May kabilisan ang pagkilos nito pa-kanluran sa bilis na 35 kilometers per hour.
Kung sakaling pumasok ng PAR ang bagyo, tatawagin itong "Opong," ang ika-15 na bagyo ngayong 2025.