December 13, 2025

Home BALITA

Sen. Erwin Tulfo, pinapasauli ninakaw na pera sa taumbayan

Sen. Erwin Tulfo, pinapasauli ninakaw na pera sa taumbayan
Photo Courtesy: Senate of the Philippines (YT)

Nanawagan si Senador Erwin Tulfo na ibalik ang ninakaw na pera mula sa buwis ng taumbayan matapos niyang marinig ang sigaw ng mga raliyista sa ikinasang kilos-protesta kamakailan sa EDSA People Power Monument at Luneta Park.

Sa plenary session ng Senado nitong Martes, Setyembre 23, bumwelta si Tulfo kay Senador Robin Padilla matapos nitong punahin ang binanggit niya kaugnay sa pagbali ng batas.

“Napakalungkot po kung ganito ang ating pagbibitaw ng mga salita na ‘we can bend the law.’ Ipakita po natin na ang kalooban ng taumbayan ay maaaring maisakatuparan ng alinsunod sa balangkas na makatarungang pag-iral ng batas,” saad ni Padilla.

Pero paliwanang ni Tulfo, “I was the one who said this morning that sometimes we have to bend law. We don’t have to. The point is, there’s a Latin word that says, ‘Vox Populi, Vox Dei.’ The voice of the people is the voice of God.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“Mr. President, the law is supposed to protect the people,” pagpapatuloy niya. “What we’re asking is the return of the good faith. I understand, Mr. President, what the gentleman from Pampanga this morning was saying that it is not a requisite to return the money na kinuha po ng mga contractor, ng mga kumita po sa flood control projects.”

Dagdag pa niya, “Tama po ‘yon, hindi po. Mayro’n pong prosesong sinusunod tayo na kailangang sundin ‘pag gumulong na ang batas hayaan ang korte ang magsabi. [...] Mr. President, tens of thousands of people went out last Sunday. [...] Narinig ko po ‘yong sigaw ng taumbayan. Ibalik ang pera namin. Malinaw po.”

Matatandaang nauna nang sinabi ni Senador Rodante Marcoleta na hindi umano kinakailangang ibalik ng mag-asawang contractor na sina Curlee at Sarah Discaya ang mga nawalang pera upang magawaran ng Witness Protection, Security and Benefit Program.