Muling lumitaw sa social media ang larawan ng aktor at dating senador na si Ramon “Bong” Revilla, Jr., na kasama si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) District Engr. Henry C. Alcantara, matapos madawit sa isyu ng maanomalyang flood control projects.
Nahalungkat ng netizens ang larawan nila Revilla at Alcantara sa Facebook page ng DPWH Regional Office III na inupload ng nasabing ahensya noong Agosto 11, 2023.
Kung saan, nagsagawa sina Revilla, Alcantara at kasama na rin si dating Assistant Engr. Brice Ericson D. Hernandez ng inspeksyon sa ginagawa noong flood-control projects sa mga munisipalidad ng Paombong at Hagonoy sa probinsya ng Bulacan.“Senator Ramon "Bong" Revilla, Jr., together with Public Works and Highways Bulacan 1st District Engineer Henry C. Alcantara and Assistant District Engineer Brice Ericson D. Hernandez inspected ongoing flood control projects in Paombong and Hagonoy on August 10, 2023,” saad sa caption ng naturang post.
Photo courtesy: DPWH Regional Office III
Matapos ito ng naging pagdawit ni Alcantara sa pangalan ni Revilla sa ikalimang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Martes, Setyembre 23, 2025.
"Ayon kay [dating DPWH] Usec. [Roberto] Bernardo ang GAA insertions noong 2024 na nagkakahalaga ng P300M ay para kay Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. na noon ay kumakandidato bilang senador para sa 2025 senatorial elections," saad ng dating DPWH District Engineer.
KAUGNAY NA BALITA: Bong Revilla, nakatanggap umano ng pera mula sa flood control projects, siwalat ni Henry Alcantara
Pinutakti naman ng batikos mula sa netizens ang nahalungkat nilang larawan nina Revilla at Alcantara.
Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa naturang post:
“Dame nang bahay nyan apakaganda resthouse pa nya.”
“Screen grab nyo na bago mawala.”
“Pasama ako sa screenshot bago ma delete.”
“Resibo.”
“Aba di na natuto?! HAHAHAHAHA”
“Kaya pala may pondo pang tv show niya sa GMA.”
“Sa paombong to’2023 pa pla to.”
“Nandito na si Bong Revilla!”
“Yung tipong mayaman kna ngpapayaman pa omg”
“Pic or it never happened.”
Samantala, wala pang inilalabas na pahayag si Revilla kaugnay sa pagkakadawit ng kaniyang pangalan sa pagdinig ng Senado.
Mc Vincent Mirabuna/Balita