December 14, 2025

Home FEATURES Katatawanan

Pangalang Zaldy Co, Martin Romualdez pinaskil sa labas ng memorial chapel

Pangalang Zaldy Co, Martin Romualdez pinaskil sa labas ng memorial chapel
Photo courtesy: Screenshots from GMA Public Affairs (FB)

Usap-usapan ang isang viral video kung saan makikitang ipinapaskil ang pangalang "Zaldy Co" at "Martin Romualdez" sa labas ng isang memorial chapel sa Pampanga.

Sa ibinahaging video ng isang anonymous netizen sa Facebook page ng GMA Public Affairs, makikita ang isang lalaking empleyado na ikinakabit ang pangalan ng dalawa sa labas ng memorial chapel.

Bagama't hindi tinukoy, naikonekta ng mga netizen ang dalawang pangalan kina Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co at dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez.

Hindi naman nakasaad sa post kung ano ang motibo ng paglalagay ng mga nabanggit na pangalan.

Katatawanan

‘Naipit sa daan!’ Lalaking naglalakad lang at pumila sa traffic, kinagiliwan

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens, na mababasa sa comment section ng post.

"Tapos ang ilagay sa itaas ay yung nag approved ng budget yung playing safe palagi, sya ang ilagay, para walang vacant yan."

"Ibalik muna ang mga tax bago mamatay haha."

"Laughtrip hahaha."

"Tama pinatay na nila ang mga maraming nalunod sa bulacan at sa ibat- ibang parte ng Pilipinas."

"Condolence sa pamilya romualdez at ksy zaldy co sana huwag kayo sukuan ni santana."

Matatandaang idinadawit ang dalawang mambabatas sa maanomalyang flood control projects matapos silang banggitin ng construction company contractor na si Curlee Discaya, na umano'y tumanggap ng kickback mula rito.

KAUGNAY NA BALITA: Ilang DPWH officials, pumuporsyento sa mga Discaya para umano kina Romualdez at Co

Dahil sa pagkakadawit ng pangalan, nagbitiw sa puwesto bilang House Speaker ng Kamara si Romualdez upang maipagpatuloy ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang imbestigasyon nang walang hadlang at alinlangan.

KAUGNAY NA BALITA: Romualdez, nag-resign na bilang House Speaker

"After deep reflection and prayer, I have made a decision. Today, with a full heart and a clear conscience, I tender my resignation as Speaker of the House of the Representatives," saad ni Romualdez.

Sa kabila nito, patuloy umano siyang maglilingkod bilang kongresista.

Aniya, “Mga minamahal kong kababayan, I leave this chamber as I first entered it, a humble servant, ready to serve, wherever duty may call.”

Si Co naman, nasa ibang bansa at hindi pa bumabalik ng Pilipinas upang harapin ang mga akusasyon laban sa kaniya.

KAUGNAY NA BALITA: Zaldy Co, nag-insert umano ng ₱35.24B mula 2022-2025

Samantala, wala pang kumpirmasyon o pahayag ang pamunuan ng memorial chapel kung sino ang tinutukoy nila sa mga nabanggit na pangalan, o baka nagkataon lamang.