January 04, 2026

Home SHOWBIZ

Neri Naig, nagluluksa sa pagpanaw ng kaniyang ina

Neri Naig, nagluluksa sa pagpanaw ng kaniyang ina
Photo courtesy: Neri Miranda (IG)


Nagluluksa ang aktres at businesswoman na si Neri Naig matapos pumanaw ang kaniyang ina kamakailan.

Ibinahagi ni Neri sa kaniyang Instagram (IG) post noong Lunes, Setyembre 22, ang kaniyang mensahe ukol sa pagkasawi ng kaniyang ina, kalakip ang litrato nito.

“Minsan, ang pagkamatay ng mahal natin sa buhay, somehow reunites families and friends who haven’t seen each other for a long time,” ani Neri.

“Yung mga matagal nang hindi nagkita, at hindi nagkaka-usap, biglang nagkakasama muli,” dagdag pa niya.

Inilahad pa ni Neri na tila “blessing in disguise” pa umano ang pagkawala nito, upang magkasama-sama ang kanilang pamilya.

“In a way, para syang blessing in disguise... siguro eto yung way ni Mommy of bringing everyone together, making peace, and reminding us what truly matters, kahit wala na siya,” anang aktres.

“Our mom wasn’t perfect, pero she was our mom...at dahil sa kanyang mga sacrifices, her strength, at pagmamahal na binigay nya sa amin in her own way, kaming mga anak nya ay naging maayos ang mga buhay. Yun ang tunay na legacy niya. Thank you, Mommy, for everything. We love you so much,” dagdag pa niya.

Ang kaniyang ina ay namaalam sa edad na 76 noong Setyembre 15.

Ipinaabot naman ng netizens, kabilang ang ilang mga kilalang personalidad, ang kanilang pakikiramay sa pamilya ni Neri.

Vincent Gutierrez/BALITA

Matapos ang Sexbomb: ‘Kuya’s Angels’ nag-reunion din!