December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Huwag kayo mag-alala, natuto na ako!' Shuvee Etrata, nagsalita matapos ma-bash dahil sa politika

'Huwag kayo mag-alala, natuto na ako!' Shuvee Etrata, nagsalita matapos ma-bash dahil sa politika
Photo courtesy: Shuvee Etrata (FB)/via MB

Naglabas ng kaniyang opisyal na pahayag ang Kapuso actress at dating Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition housemate na si Shuvee Etrata hinggil sa mga kritisismong natatanggap niya, matapos kalkalin ng mga netizen ang old videos at posts niya, lalo na ang tila umano'y nagpapakita ng pagsuporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Maraming mga netizen ang sumang-ayon sa kaniya, subalit marami rin ang tila nadismaya kay Shuvee matapos niyang magpakita ng suporta kay FPRRD dahil sa war on drugs nito sa kaniyang administrasyon, na para sa aktres, ay malaki ang naitulong sa bansa, lalo na sa kanilang lugar.

Ito ay mga panahong hindi pa siya masyadong nakikilala at sa showbiz, at bago pa man siya pumasok sa PBB.

Nag-resurface din ang post niya hinggil sa naging reaksiyon niya sa shutdown ng ABS-CBN noong 2020, at ibinahagi pa ang isang meme tampok sina Coco Martin at Vice Ganda.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Si Shuvee ay napapadalas pa namang maging guest co-host sa noontime show na "It's Showtime," matapos maging matunog ang pangalan niya pagkatapos ng PBB stint.

May mga netizen tuloy na nanawagang i-cancel daw si Shuvee at huwag nang ipagpatuloy ang pagsuporta sa kaniya.

“Maayong adlaw sa tanan!" mababasa sa Instagram story ni Shuvee.

"I’m deeply grateful for the support many of you have shown. Bago lang po lahat to sa akin. Kaya pasensya na po sa lahat ng na-disappoint at nasaktan ko."

“I understand that what I said in the past caused hurt to some and I take responsibility for it."

“Sa totoo lang po, iniiwasan ko po talaga ang magsalita tungkol sa politics dahil napaka-divisive nito. Ang mas mahalaga sa akin ngayon ay ang mahalin ang bayan at manindigan laban sa sumisira nito tulad ng korapsyon. Lalo na po ngayon."

“Huwag po kayong mag-alala, natuto na po ako. Lalawakan ko pa po ang pag-iisip ko para sa ating lahat. I will continue to learn and grow."

“Mahal ko po kayo at mahal ko ang Pilipinas lalo na sa panahon ngayon. I stand for and with the Filipino people—always," aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Shuvee Etrata/IG

Sa kanilang banda, marami rin namang mga netizen ang nagtanggol kay Shuvee, dahil bawal artista o indibidwal daw ay may kalayaang mamili kung sino ang susuportahan nilang politiko.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens sa kaniyang X post:

"We love you Shuv Shuv. Thank you for speaking and showing up. Iba iba talaga tayo ng paniniwala pero hindi ikaw ang tunay na kalaban ng bansa natin kundi ang mga corrupt at salot sa lipunan. I will continue to support you Shuv Shuv. Love love."

"Politics is only divisive if you side with those who benefit at the expense of others. It can be transformative, Shuvee, if only you open your eyes and heart to the struggles of others. Hindi mo pwedeng ipikit ang mata mo sa EJK, just cause nakabuti ang WOD para sayo."

"Salamat sa pagsasalita, Shuvee. Pero wag mong iwasan ang pagsasalita tungkol sa pulitika dahil lang sa 'divisive' ito. Kailangan namin ang boses mo. Nakita mo kung pano gamitin ni Meme Vice at Ate Anne Curtis mo ang boses nila for the people? Kasi our voice matters, Shuvs."

"the way ate girl phrased this, halatang unapologetic dds pa din talaga. Kung ayaw niyong magamit itong dds na ito in endorsing sara come 2028, please, deplatform na natin ito ngayon palang."

"thank you shuvee. sapat na yun willing ka matuto, ganon naman tayo. I'm really rooting for you when you said na pangarap mo maging doctor, that is why it was disappointing to hear what you said."

"Isa lang naman tanong namin, do you still support Duterte? Don't give us the miss universe answer. Nakakadiri lang lalo."

"You now have this platform and marami ang nakatingin sa'yo. You have influence and we have seen your questionable stance on politics. Ang masakit is if you are saying mahal mo ang Pilipinas pero you still follow and support personalities na dahilan ng pagkalugmok nito."

"hi, shuvee. this is coming from a place of concern pero sana let’s not be silent on political matters just because it is divisive. we have to choose a side because being silent only benefits the oppressor. ayaw natin iyon, diba? Ihope you choose to stand on the right side."

Habang isinusulat ang artikulong ito, agad na nag-trending ang pangalan ni Shuvee sa X.

Photo courtesy: Screenshot from X via Richard de Leon/Balita