December 13, 2025

Home BALITA

Henry Alcantara, 'di obligadong magbigay ng kickback sa main office

Henry Alcantara, 'di obligadong magbigay ng kickback sa main office
Photo Courtesy: Senate of the Philippines (YT), via MB

Itinanggi ni dating Department of Public Works and Highway (DPWH) district engineer Henry Alcantara na kailangan nilang magbigay ng kickback sa main office ng nasabing ahensya.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Martes, Setyembre 23, sinabi ni Alcantara na tanging kay DPWH Usec. Roberto Bernardo at sa politiko lang umano siya nagbibigay ng porsiyento.

“Mga boss mo ba wala ba kayong mga ibinibigay? Walang mga kickback? Wala kang ipinapadala sa kanila? Puro lang ba sa mga politiko at puro sa inyo-inyo lang? Up in the main office, walang hinihingi sa ‘yo?” tanong ni Senador Erwin Tulfo.

Sagot ni Alcantara, “Wala po, your honor. Basta ‘yong funding po ang pinag-usapan, naka-fix na po sa gano’n. Kay Usec. Bernardo ko lang po binibigay. Wala pong requirements po sa central office.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“So, pawang ang ka-deal mo lang dito e mga politiko?” paniniyak ng senador.

“Opo,” tugon ng dating district engineer, “saka si Usec. Bernardo.”

Ikinanta rin ni Alcanatara sa nasabing pagdinig ang kalakaran nila ni Bernardo para mamanipula ang flood control budget na ibinibigay nila sa ilang politko.

Bukod dito, pinangalanan din niya ang ilang politiko na sangkot sa isyu ng kickback at insertion sa nasabing proyekto kagaya nina dating Senador Bong Revilla, Senador Jinggoy Estrada, Senador Joel Villanueva, at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.

Maki-Balita: Bong Revilla, nakatanggap umano ng pera mula sa flood control projects, siwalat ni Henry Alcantara

Maki-Balita: Zaldy Co, nag-insert umano ng ₱35.24B mula 2022-2025