December 13, 2025

Home BALITA

Brice Hernandez, pumiyok; pinapalobo presyo ng flood control projects

Brice Hernandez, pumiyok; pinapalobo presyo ng flood control projects
Photo Courtesy: Senate of the Philippines (YT)

Ikinumpisal ni dating Department of Public Works and Highway (DPWH) assistant district engineer Brice Hernandez ang ginagawa nilang pagpapalobo sa halaga ng flood control projects sa Bulacan.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Martes, Setyembre 23, sinabi ni Hernandez kung paano nila dinadagdagan ang presyo o dami ng materyales. 

“Kung 100 pieces lang dapat ang gagamitin, ang nilalagay sa program ay 200 pieces,” saad ni Hernandez 

Dagdag pa niya, “‘Yong sheet pile… For example po ang presyo lang niya ay ₱30 lang per kilo, may ibang bagay na pinapakarga sa amin. Lalagyan namin ng hauling fee. ‘Yong ₱30 magiging P40 per kilo. Napakalaking adjustment po no’n sa presyo ng materyales.” 

National

Sen. Bato at iba pa, 'di sumipot sa bicam conference committee meeting para sa 2026 nat’l budget

Inamin din ni Hernandez sa pagdinig na ito na substandard umano lahat ng proyektong hinawakan nila ni DPWH district engineer Henry Alcantara sa Bulacan mula 2019 hanggang 2025.

"[L]ahat po ‘to may obligasyon na kailangang itago. [...] Hindi po name-meet kung ano po ‘yong eksaktong nasa plano, your honor,” aniya.

Maki-Balita: Brice Hernandez, aminadong substandard lahat ng kanilang proyekto