December 13, 2025

Home BALITA Metro

₱5,000 multa sa iligal na pagtatapon ng basura sa pampublikong lugar, kasado na sa Metro Manila

₱5,000 multa sa iligal na pagtatapon ng basura sa pampublikong lugar, kasado na sa Metro Manila
Photo courtesy: MB

Inaprubahan na ng Metro Manila Council (MMC) ang ₱5,000 multa para sa mga mahuhuling iligal na magtatapon ng kanilang basura sa pampublikong lugar nitong Martes, Setyembre 23. 

Sa pangunguna ni  San Juan City Mayor at MMC President Francis Zamora, ang resolusyong ito ay unang ipinasa noong Martes, Setyembre 16, upang hikayatin ang publiko na maging responsable sa pagtatapon ng kanilang mga basura. 

“Kung hindi po natin didisiplinahin ang ating mga mamamayan at patuloy lang silang magtatapon ng basura sa ating mga ilog, mga creek ay paulit-ulit din nating mararanasan ang problema ng pagbabaha sapagkat base po sa ating karanasan, kapag nagbabaha sa ating mga lungsod at humupa na ang baha, anong naiiwan sa ating mga kalye? Tambak-tambak na mga basura,” pagbabahagi ni Zamora. 

Dagdag din niya, kahit isaayos ang mga drainage system sa mga lungsod sa Metro Manila, kung puro basura ang laman nito, mananatili pa rin ang problema ng pagbabaha. 

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Kasama sa resolusyong ito ang pagbabantay ng mga ilog, creek, kanal, at mga daluyan ng tubig. 

Sa kabilang banda, ₱ 2,500 naman ang maximum penalty para sa bayan ng Pateros, dahil ito’y isang munisipalidad, na batay din sa Local Government Code. 

“Muli paalala ko po sa lahat, 'wag po tayo magtatapon ng basura sa mga maling lugar. Mayroon pong tamang lugar na mapagtatapunan. Wag po sa mga ilog, ‘wag po sa mga creek, canal, at daluyan ng tubig sapagkat ‘yan po ay magiging dahilan ng patuloy na pagbabaha po rito sa Metro Manila,” paalala ng alkalde. 

Sean Antonio/BALITA