December 16, 2025

Home BALITA National

#WalangPasok: Malacañang, nagsuspinde ng klase, pasok sa trabaho ngayong Sept. 22

#WalangPasok: Malacañang, nagsuspinde ng klase, pasok sa trabaho ngayong Sept. 22

Nagdeklara ang Malacañang ng suspension ng klase at pasok sa trabaho sa mga government offices sa 30 probinsya ngayong Lunes, Setyembre 22, 2025, dahil sa inaasahang pag-ulan dulot ng Super Typhoon Nando at Southwest Monsoon o habagat.

Batay sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, suspendido ang klase at trabaho sa mga sumusunod na lugar: 

Metro Manila
Abra
Antique
Apayao
Bataan
Batanes
Batangas
Benguet
Bulacan
Cagayan
Cavite
Ifugao
Ilocos Norte
Ilocos Sur
Isabela
Kalinga
La Union
Laguna 
Mountain Province 
Nueva Ecija
Nueva Vizcaya
Occidental Mindoro
Pampanga
Pangasinan
Palawan 
Romblon
Rizal
Tarlac
Zambales

Gayunpaman, ang mga ahensyang may kinalaman sa "basic, vital, and health services preparedness and response" ay patuloy na magiging operational, ayon sa pahayag ng Malacañang.

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

"Non-vital goverment employees of subject agencies and all other government employees may be engaged under approved alternate work arrangements, subject to applicable laws, rules, and regulations," dagdag pa ng Palasyo.

"The suspension of work in private companies and offices is left to the discretion of their respective heads."