January 25, 2026

Home BALITA

Usec. Castro, pinagsabihan mga nagmumurang kritiko ng gobyerno

Usec. Castro, pinagsabihan mga nagmumurang kritiko ng gobyerno
Photo courtesy: screengrab PCO/FB, via MB

Iginiit ng Malacañang nitong Lunes, Setyembre 22, 2025, na bagama’t iginagalang nito ang karapatan ng publiko na ipahayag ang kanilang saloobin, dapat daw itong gawin sa tamang paraan.

Sa kaniyang press briefing nitong Lunes, nagpaalala si Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro sa mga gumamit ng mga salitang hindi kanais-nais sa kanilang galit laban sa korapsyon.

“Sa iilang gumamit ng foul language, nirerespeto ang inyong karapatang magpahayag pero may responsibilidad din kayong maging magandang ehemplo lalo na sa kabataan. Ipinaglalaban natin ang tama, idaan natin sa paraang tama,” ani Castro.

Matatandaang matapos ang ikinasang malawakang kilos-protesta laban sa korapsyon noong Linggo, Setyembre 21, ay nagkalat sa social media ang video ng mga demonstrador na minumura ang kasalukuyang administrasyon maging ang mga inidbidwal na nauugnay sa maanomalyang kilos-protesta.

2 dambuhalang sawa, nahuli sa kisame ng magkaibang bahay, 1 sa kanila, nakalunok ng tuta!

Samantala, kaugnay ng kaniyang press briefing, nauna na ring iginiit ni Castro na pinag-aaralan na raw na masampahan ng kasong sedisyon si Ilocos Sur Gov. Chavit Singson hinggil sa naging pahayag nitong mano’y magrebolusyon ang kabataan laban sa korapsyon.

“At si Mr. Chavit Singson pa ang nagsabi na hayaan ng mga magulang ang mga batang ito na tumayo para sa isang rebolusyon para sa korapsyon,” saad ni Castro.

Paglilinaw pa niya, “So dapat maimbestigahan ito upang malaman kung siya ay maaaring makasuhan ng inciting to sedition.”

KAUGNAY NA BALITA: Paghimok ni Chavit na magrebolusyon kabataan, posibleng patawan ng sedisyon—Palasyo