December 13, 2025

Home BALITA

Sagot ni Leni Robredo sa unang iimbestigahang ahensya kung manalong Pangulo, binalikan ng netizens!

Sagot ni Leni Robredo sa unang iimbestigahang ahensya kung manalong Pangulo, binalikan ng netizens!
Photo courtesy: Now You Know (FB)


Binalikan ng netizens ang naging sagot ni dating Vice President at kasalukuyang Naga City Mayor Leni Robredo sa  “The Filipino Votes: Presidential Debate” ng CNN Philippines noong Pebrero 27, 2022.

Ito ay matapos pumutok ang kabi-kabilang isyu ng anomalya at iregularidad sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa bansa.

Makikitang ibinahagi ng Facebook page na “Now You Know” noong Pebrero 28, 2022, sa kanilang Facebook post ang naging sagot ni Robredo sa tanong na “In relation to corruption, what is the first government agency you will investigate?”

Isinagot ni Robredo ang Bureau of Customs (BOC), Bureau of Immigration (BI), Bureau of Internal Revenue (BIR), at ang DPWH.

Narito naman ang ilan sa mga komento ng netizens hinggil sa kumakalat ulit na sagot ni Leni Robredo sa nasabing debate:

“Kaya pala hindi ka nila hinayaan manalo”

“leni lutang daw pero siya ra naay plano last presidential elections”

“Well well well. Up ko lang to HAHAHAHAHHAHAHAHAHAH”

“Oh mga unithieves dito, ngayon kayo mag-ingay”

“Di ka nga nagkakamali Maaa”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“2025. This aged like fine wine.”

“parang "mother knows best"

Matatandaang nag-iisa lamang si Robredo sa siyam na presidential candidate na nakilahok sa naturang debate ang sumagot ng DPWH, at karamihan sa kanila ay sumagot ng BOC.

Vincent Gutierrez/BALITA