Pinutakti ng netizens ang ilang Instagram (IG) posts ni Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition 4th Big Placer na si River Joseph matapos niyang ihayag ang kaniyang mga hinaing sa umano’y malawakang korapsyon sa bansa.
Ibinahagi niya sa kaniyang IG story noong Linggo, Setyembre 21, ang dalawang posts na may kinalaman sa umano’y pagtuligsa niya sa korapsyong nagaganap sa kasalukuyan.
Aniya sa unang story, na isang repost mula sa batikang mamamahayag na si Karen Davila, “Make corruption shameful again. Kailangang maging nakakadiri ‘y[o]ng korapsyon."
“I stand against corruption. We, the Filipino people, demand accountability from our government officials and deserve justice. #TriliionPesoMarch,” saad niya sa hiwalay na story.
Hindi naman ito nakaligtas sa mga netizens, na ibinahagi rin ang kanilang mga komento ukol sa mga IG story ni River.
Matatandaang jowa ni River Joseph ang social media influencer na si Gela Alonte, anak ng kasalukuyang Mayor ng Biñan City na si Angelo Alonte.
KAUGNAY NA BALITA: 'Mamatay kayo sa inis:' Utol ni Gela Alonte, bumwelta sa bashers?-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA