Napilitang putulin ng ng isang News5 reporter ang kaniyang live reporting matapos pagsisigawan at ambang sugurin ng mga raliyista sa Mendiola, Maynila noong Linggo, Setyembre 21, 2025.
Ayon sa ulat ng News5, pinag-initan ng mga demonstrador ang kanilang reporter dahil umano sa parte ng report ng nasabing mamamahayag na nagdulat daw ng gulo ang naturang grupo ng mga raliyista—bagay na hindi raw laman ng kaniyang report.
Mapapanood sa nagkalat ng video na sinubukang malapitan ng mga raliyista ang nasabing mamamahayag kung saan agad namang nakapagitna ang hanay ng pulisya.
Nahagip din sa audio ng naturang report kung paano nagsigawan ang ilang raliyista na “sinungaling!” at ilang mura laban sa kaniya at sa kanilang network.
Paglilinaw naman ng News5 na nagawa pa rin daw makapag-ulat ng kanilang reporter sa ibang lugar—malayo sa banta ng mga raliyista.
Matatandaang isa ang Mendiola sa mga lugar sa Maynila na dinagsa ng grupo ng mga raliyista upang ipanawagan ang kanilang pagkondena laban sa korapsyon.
Samantala, kinondena naman ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) ang naturang panghaharas laban sa nasabing reporter.
“No journalist should ever be subjected to intimidation, threats, or obstruction while performing their duty to deliver truthful and timely information to the public,” ani PTFOMS Executive Director Jose Torres Jr.
Dagdag pa ni Torres, “We call on all sectors to respect the vital role of the media and to work together in ensuring a safe environment for journalists.”