December 13, 2025

Home BALITA

Paghimok ni Chavit na magrebolusyon kabataan, posibleng patawan ng sedisyon—Palasyo

Paghimok ni Chavit na magrebolusyon kabataan, posibleng patawan ng sedisyon—Palasyo
Photo courtesy: screengrab PCO, contributed photo

Inihayag ng Malacañang ang posibilidad na mapatawan ng sedisyon si dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson hinggil sa naging pahayag nitong mano’y magrebolusyon ang kabataan laban sa korapsyon.

Sa press briefing ni Presidential Communication Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro nitong Lunes, Setyembre 22, 2025, inaasahang mismong ang Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP) at Department of Justice (DOJ) ang mag-iimbestiga sa nasabing mga pahayag ni Singson.

“Tayo na po ang makikiusap, sa pamunuan po, especially kay Sec. Jonvic Remulla, kay acting PNP Chief Gen. Nartatez Jr., and of course the DOJ—na busisiin mismo ang mga sinabi ni Mr. Chavit Singson,” ani Castro.

Dagdag pa niya, “Dahil doon inakit niya ang mga kabataan specially high school students, college students. Karamihan dito malamang ay mga menor de edad. Upang malaman nila at inanyayahan ang mga ito na huwag pumasok sa eskuwelahan at habang hindi bumababa ang mga taong gusto nilang pababain.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Saad pa ni Castro, mismong si Singson din umano ang nangungunsinti sa mga magulang na hayaan na lamang magrebolusyon ang mga kabataan.

“At si Mr. Chavit Singson pa ang nagsabi na hayaan ng mga magulang ang mga batang ito na tumayo para sa isang rebolusyon para sa korapsyon,” saad ni Castro.

Paglilinaw pa niya, “So dapat maimbestigahan ito upang malaman kung siya ay maaaring makasuhan ng inciting to sedition.”

Matatandaang kamakailan lang nang nagpatawag ng press conference si Singson at saka binuweltahan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Sa naturang press conference din iginiit ni SIngson ang kaniyang panawagan umano sa mga kabataan.

“'Wag silang pumasok hangga't hindi bumababa ang mga opisyal natin na korap,” saad ni Singson.