December 14, 2025

Home BALITA Metro

Nasa 116 indibidwal na dumalo sa Trillion Peso March, sinaklolohan ng PH Red Cross

Nasa 116 indibidwal na dumalo sa Trillion Peso March, sinaklolohan ng PH Red Cross
Photo courtesy: Philippine Red Cross (FB)

Ibinahagi ng Philippine Red Cross (PRC) na umabot sa 116 pasyente ang kanilang sinaklolohan na pawang nagsidalo sa "Trillion Peso March" na isinagawa sa Metro Manila noong Linggo, Setyembre 21.

Batay sa huling update ng PRC dakong 6:00 ng gabi noong Linggo, na mababasa sa kanilang opisyal na Facebook page, "Sa Manila area, 63 pasyente ang naasikaso, karamihan ay vital signs at minor cases tulad ng dizziness at cramps. May isang dinala sa PGH dahil sa pananakit ng dibdib."

"Sa EDSA area, 51 pasyente ang naitala, kabilang ang minor injuries gaya ng sprain at laceration. Isang pasyente ang dinala sa QMMC dahil sa sugat sa ulo."

"Kabuuan, 116 pasyente na ang natulungan ng PRC, kung saan 2 ang na-transport sa ospital at 3 sa PRC medical posts."

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Para matiyak daw na may agarang tugon, nag-deploy ang PRC ng 16 ambulansya, 3 first aid stations, 4 foot patrol teams, 8 scooters, at 201 na personnel.

Pahayag naman ni PRC Chairman Richard Gordon, “The Red Cross is always ready to serve — rain or shine, saan man, kailan man.”

Pinuri din ni Gordon ang volunteers.

“Our volunteers embody the true spirit of the Red Cross. Wherever there is a need, we are there to provide care and compassion. In times like this, we show that humanity is always at the heart of what we do," aniya.

Samantala, matapos ang anti-corruption rallies, nakaantabay naman ang PRC para sa emergency response sa magiging epekto ng super typhoon #NandoPH.