December 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Maris Racal, DPWH ang birthday wish: 'Di Puwedeng Walang Hustisya!'

Maris Racal, DPWH ang birthday wish: 'Di Puwedeng Walang Hustisya!'
Photo courtesy: Maris Racal (FB)

Makahulugan ang naging "birthday wish" ng Kapamilya star na si Maris Racal, na 28-anyos na ngayong araw ng Martes, Setyembre 22.

Ibinida ni Maris ang ilang kuhang larawan mula sa kaniyang birthday photoshoot, sa kaniyang Facebook post.

Birthday wish daw ng aktres, "DPWH."

"it’s my birthday today. Ang wish ko lang ay DPWH," aniya.

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

Binigyang-kahulugan ni Maris ang DPWH bilang "Di Pwedeng Walang Hustisya."

Hindi naman direktang binanggit, hindi ito "Department of Public Works and Highways" na kontrobersiyal na ahensya ngayon ng pamahalaan dahil sa maanomalyang flood control projects, na nagsasangkot sa ilang construction company contractors at government officials.

Kagaya ng iba pang mga kapwa artista, celebrities, at social media personalities, isa si Maris sa mga nakiisa sa "Trillion Peso March" sa EDSA Shrine at People Power Monument sa Quezon City noong Linggo, Setyembre 21.

Samantala, kamakailan lamang ay pinag-usapan din ang birthday wish ng award-winning Kapuso broadcast journalist at dokumentaristang si Kara David.

Sa video, mapapanood na masaya munang nakipagkulitan si Kara sa mga taong kumakanta ng "Happy Birthday" sa kaniya.

Nang hingan na siya ng wish, "Wish... sana mamatay lahat ng kurakot sa Pilipinas!" sabay hipan sa mga kandila ng kaniyang cake.

Maririnig naman ang tawanan ng mga taong nasa background ng video.

Pagkatapos hipan ang mga kandila, natatawang inilapag na ng batikang mamamahayag ang cake.

KAUGNAY NA BALITA: 'Sana mamatay lahat ng kurakot sa Pilipinas!' birthday wish ni Kara David

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Wish ko na sana matupad ang wish mo Ms. Kara. Happy birthday!!"

"Dapat ganyan lahat wish ng mag birthday buong taon"

"Sana nga po matupad ang wish niu ms kara"

"Gustong gusto ko ung wish mo ms kara … sana maging wish granted yan"

"Sana matupad ang wish mo. kasi wish din nmin yan eh."

KAUGNAY NA BALITA: Birthday wish ni Kara David, sana raw magkatotoo sey ng netizens

Batay sa mga birthday wish na ito nina Maris at Kara, talagang socially at politically aware ang mga celebrity at hindi na lamang para sa mga sarili nila ang hangad nila kundi maging sa buong bansa na.