January 04, 2026

Home BALITA National

Madre, kinuyog ng ilang raliyista matapos sabihing ‘biktima’ si PBBM ng kadiliman

Madre, kinuyog ng ilang raliyista matapos sabihing ‘biktima’ si PBBM ng kadiliman
Photo courtesy: Vincent Gutierrez/BALITA


Isang madre ang kinagalitan ng ilang mga raliyistang umano’y tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Liwasang Bonifacio sa Maynila noong Linggo, Setyembre 21, matapos niyang sabihing “biktima” lang din umano si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ng nagaganap na umano’y malawakang korapsyon sa bansa.

Kinilala siya bilang si “Mother Mary Flor” ng Missionary of the Divine Healers, at aniya, hiling niya daw ay magkaroon ng bawat isa ng “unconditional love,” sapagkat si PBBM ay isa lamang umanong biktima.

“Kailangan na po nating magkaisa, maging liwanag po tayong lahat. ‘Pag tayo pong lahat ay liwanag, na nanggagaling sa kaibuturan ng ating puso, matutunaw po ang dilim,” ani Mother Mary Flor.

“Kaya po ang hinihiling ko po sa inyo, ay unconditional love, mahalin po natin si BBM, biktima po talaga siya ng kadiliman,” dagdag pa niya.

Matapos niya itong sabihin, humiyaw ang ilang mga raliyista na sinasabing umano’y mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng “Marcos resign!”

National

Leviste, pinuna pagtaas sa ₱18.58B ng MOOE ng Kamara sa 2026 nat'l budget



Agad ding inagaw ang mikropono sa madre at sinugod ng mga nabanggit na raliyista.

Hindi umano nasaktan ang madre ngunit ito ay nakatanggap ng mura at pagtakwil mula sa mga tagasuporta ng dating pangulo.

Matatandaang binubuo ng grupong Maisug, Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), at iba pang grupo ang nasabing kilos-protesta na isinagawa sa Liwasang Bonifacio nitong Linggo, Setyembre 21.

Vincent Gutierrez/BALITA