December 13, 2025

Home BALITA National

Hip-hop gangsters na nanggulo sa kilos-protesta, naimpluwesyahan ng isang sikat na rapper?

Hip-hop gangsters na nanggulo sa kilos-protesta, naimpluwesyahan ng isang sikat na rapper?
Photo courtesy: BALITA FILE PHOTO

Hinala ng pulisya na mga miyembro umano ng hip-hop gangster ang mga nahuli nilang kabataan na nanggulo sa kilos-protesta laban sa korapsyon na isinagawa noong Linggo, Setyembre 21. 

Ayon sa naging panayam ni Police Major Philipp Ines mula sa Manila Police District sa midya nitong Lunes, Setyembre 22, 2025, sinabi niyang nasa ilalim pa ng imbestigasyon ng kapulisan ang dahilan sa panggugulo ng maraming indibidwal. 

Aniya, nalaman umano nila na may impluwensya ang isang rapper sa likod ng naging dahilan kung bakit gumawa humantong sa marahas na paraan ang kanilang mga nahuling kabataan. 

“On going pa ‘yong ating pag-iimbestiga. Initially, nalaman nating ito ‘yong mga hip-hop gangster ‘yong mga nakukuha natin dito at naimpluwensyahan sila ng isang rapper na hindi na muna natin babanggitin. Pero nakita naman natin sa social media kung sino ito,” pagsisiwalat ni Ines. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Kinumpirma rin niyang umabot sa 216 ang kabuuang bilang ng kanilang mga naaresto.

“Sa ngayon, mayroon tayong bilang ng mga arestado na 216. ‘Yong 216 na ‘yon, 137 do’n, adult,” saad ni Ines. 

89 umano dito ang lumabas na menor de edad at nakatakdang i-turn over sa Department of Social Welfare and Development o DSWD. 

“89 ‘yong minors. ‘Yong 65 do’n ‘yong tinatawag nating ‘children with conflict with the law.’ ‘Yong 26 do’n ‘yong tinatawag nating ‘children at risk.’[...] ‘Yong ‘children at risk’ ‘yong mababa sa 12 years old. 

“‘Yong minor naman, more that 15 [ang] less than 18 naman. Ito titingnan natin ang determination ng tinatawag natin na discernment. 

“Kapag napatunayan po at lumabas po na alam po nila ‘yong ginagawa po nila, mananagot po sila sa batas,” paglilinaw ni Ines. 

Mahaharap naman ang iba pang naaresto sa mga reklamong arson, direct assault, physical injuries at malicious mischief. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita