December 14, 2025

Home BALITA Probinsya

Dating politiko, isang abogado, nasa likod umano ng riot sa Mendiola—Mayor Isko

Dating politiko, isang abogado, nasa likod umano ng riot sa Mendiola—Mayor Isko
Photo courtesy: Contributed photo

Kinumpirma ng Manila Public Information Office na tinukoy na umano ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang nasa likod ng nangyaring gulo sa Mendiola at Recto sa Maynila noong Linggo, Setyembre 21, 2025.

Sa Facebook post ng Manila PIO nitong Lunes, Setyembre 22, kinumpirma ni Domagoso na isang Filipino-Chinese ang umano'y funder ng naturang riot.“Kinumpirma ni Mayor Isko Moreno Domagoso na base sa initial reports, isang dating pulitiko na may Filipino-Chinese funder at isang abogado ang itinuturong nasa likod ng bayolenteng grupo na nanakit sa kapulisan at nanira ng mga ari-arian sa kasagsagan ng anti-corruption rally noong Setyembre 21,” anang Manila PIO.

Samantala, patuloy din ang pagberipika ng mga awtoridad sa tinatayang 100 indibidwal na sangkot sa nasabing kaguluhan. 

“Ayon kay Mayor Isko, patuloy pa itong bineberipika ng kapulisan habang inihahanda na rin ang mga kaso laban sa mahigit 100 indibidwal na sangkot sa kaguluhan,” saad ng Manila PIO.

Probinsya

Unang fully air-conditioned public school, bukas na sa San Pedro, Laguna

Tinatayang pawang mga menor de edad ang itinuturong mga suspek sa nasabing kaguluhan kung saan nasa edad 12 taong gulang ang pinakabatang nahuli ng mga awtoridad.

Sa hiwalay na pahayag, tiniyak naman ni Domagoso na pananagutin ang lahat ng nakiisa sa panggugulo.

“Sumali ka, nakisapakat ka, nahuli ka, sama ka sa danyos. Criminal and civil, we will charge them, the City Government of Manila will charge them, whatever the Philippine National Police will charge them,” anang alkalde.