December 16, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Cong TV, rumesbak sa bashers matapos sumuporta sa rally kontra korapsyon

Cong TV, rumesbak sa bashers matapos sumuporta sa rally kontra korapsyon
Photo courtesy: Screenshots from Cong TV (FB)

Pumalag ang social media personality na si "Cong TV" matapos kuyugin ng bashers dahil sa pagsuporta niya sa ikinasang "Trillion Peso March" kontra korapsyon, na ginanap noong Linggo, Setyembre 21.

Ibinahagi ni Cong TV sa kaniyang Facebook post ang ilang mga larawan mula sa venue, na nilagyan niya ng caption na "Magnanakaw ka tapos gusto mo walang sisita? Hahaha Gago ka ba?"

Ngunit maraming mga netizen ang tila hindi nasiyahan sa ginawa ni Cong TV at binalikan ang pagsuporta raw nila ng misis na si Viy Cortez sa ilang mga politiko at party-list noong nagdaang halalan.

Kaya naman buwelta ni Cong TV, "Pag ba magkaiba ba tayo ng sinuportahan nung eleksyon wala ng karapatang magalit sa mga nangyayari sa bansa?"

Tsika at Intriga

Umakbay pa nga! Kaila, Daniel magkasamang nanood ng concert?

"Sabihin niyo na gusto niyong sabihin. Pare-pareho lang tayong ninanakawan."

"Mas nakakahiyang manahimik kesa hindi bumoses," aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Cong TV/FB

Samantala, maging ang misis na si Viy ay nakaranas din ng pambabash mula sa mga netizen.

Ibinahagi ni Viy ang ilang mga larawan kung saan makikita ang ilang mga taong nakiisa sa nabanggit na peace rally; kabilang ang ilang mga raliyistang may hawak na naghuhumiyaw na placards.

Isa sa mga nakasaad sa placard ay ginawang caption ni Viy sa kaniyang post.

"PUTANG INA NAKAW PA!" aniya.

Agad na nag-viral ang kaniyang post at shinare ng mga netizen, na tila hindi nagustuhan ang kaniyang umano'y pakikiisa sa rally.

Hindi kasi naiwasan ng maraming netizen na balikan ang naging pagsuporta nina Viy at Cong sa ilang mga politiko at partylist sa nagdaang halalan.

Narito ang ilan sa mga kuda ng bashers:

"GG, sana d ka nalang nagpost haha."

"laro, sino nga ulit in-endorse niyo last election?"

"the audacity"

"Hoy Viy isa ka pa, kala mo talaga no, na para bang hindi niya inendorso si... HAHAHAHA"

"turn on mo comments mo ate para mamura ka namin"

"sino nga ulit inendorse niyo teh"

"tumigil kana vy!! baka di kita matanchaaa ngayon. shut up ka nalang dyan ante"

Samantala, sa isa pang Facebook post, mukhang aware si Viy sa pagkuyog ng netizen sa kaniya, kaya naglabas siya ng isang paliwanag hinggil sa naging pagsuporta nila sa rally.

Aniya, "Sa totoo lang natatakot kami mag asawa mag post dahil alam namin na mababalik lahat ng galit sa amin."

"Pero mas okay na magsalita kesa manahimik!"

"Tatanggapin ko lahat ng panlalait mura at kung ano ano pa. Kung yun ang ikagagaan ng nararamdaman niyo.

"Basta Pare parehas tayo ng gusto. matupad ang birthday wish ni Ms Kara David! Hinding hindi ako mag sisisi na sa wakas nagamit ko tong fb ko ng tama! Hindi ko pagsisisihan na nasabi kong PUTANG INA NAKAW PA!" aniya pa.

KAUGNAY NA BALITA: 'Mas okay na magsalita kesa manahimik!' Viy Cortez na-bash matapos makiisa sa rally

Sa isa pang panibagong Facebook post, sinabi ni Viy na tanggap niya ang bashing na natatanggap nila sa mga netizen, basta ang importante raw, "tuloy ang laban."

"Nababash ako noon, At ngayon nanaman ulit. Tanggap ko ng buong puso dahil alam ko san ako nagkamali. Ang pinagkaiba lang ngayon mas malaya sa pakiramdam. Tuloy ang buhay," aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Viy Cortez-Velasquez (FB)